Wednesday, December 19, 2012

Mr. Choi Kitchen


Maraming beses akong nagcelebrate ng birthday dito sa Mr. Choi Kitchen dahil malaki yung puwesto nila sa Robinson's Manila. Eto lagi kong napipili dahil maraming kumakain so ibig sabihin marasap ang pagkain. Last na punta ko sa Mr. Choi Kitchen sa Manila, lumiit na yung puwesto and iilan nalang ang kumakain.


This time hindi to birthday celebration, date date-an lang namin ni Fluffy, nakakalungkot lunch time pero walang kumakain. Not sure kung hindi lang talaga sila mabenta sa Robinson's Galeria unlike sa Manila maraming tao kapag lunch time.

Tipikal lang inorder namin, Beef with Brocolli, Fish Fillet with sweet and sour sauce and Yangchow fried Rice. Medyo disappointed lang ako sa Yangchow pero the rest ng order namin as usual masarap. Yung Yangchow na naaalala ko eh good for 2 - 3 person pero yun sinerve samin ewan ko pero for me ang onti lang nya. Pero hindi na kami nagtanong kung bakit konti lang dahil ayoko masira date namin.





Hindi ko nakuhanan ng picture yung resibo nagmamadali na kaming umuwi ni Fluffy.

Wednesday, December 12, 2012

Renovation: Tiles

Nagsisimula na kaming lumibot libot sa mga stores and Depot para mag canvass ng mga gagamitin sa renovation ng condo. Malapit na kaseng iturn-over samin ang nabili naming unit sa Escalades Cubao. Maraming nakabasa at maraming nagcomment sa blog entry kong yun. Karamihan mga magiging kapitbahay ko na nakabili rin ng unit sa Escalades.

Hindi ito ang unang beses na magpaparenovate ako. Unang renovation ay yung bahay namin sa Manila. Karamihan ng mga ginamit sa bahay, binili sa Soler at Alonzo sa Recto. Tiles na binili namin para sa banyo at labahan ay Eurotiles na Estelle Beige. Cute din sana yun Estelle Pink yun nga lang ang theme na napili namin ng mom ko eh Beige and Cream.


Karamihan ng dealer ng Eurotiles ay nasa Soler kaya bihira lang makakita nito sa ibang lugar tulad sa mga Depot at lalo na sa mga Floor and Tile Center. Kadalasang nakikita sa Depot ay Mariwasa and Lepanto. Floor and Tile Center naman ay puro mga China and Malaysia made. Gusto ko din ang Mariwasa and Lepanto na Philippine made yun nga lang bihira ang Beige sa kanila. Matibay kase ang Philippine made at syempre tangkilikin ang sariling atin. Eurotiles and sabi is Philippine made din daw at ang plantation ay sa Cavite. Pero not sure kung totoo kase kapag nagtatanong ako sa mga Depot paiba iba sinasabi nila unlike Mariwasa and Lepanto, sure na sure na isa lang ang binabanggit nila.

This time naghahanap pa kami ng magugustuhan naming design kaya hindi pa sure kung anong tiles ang kukuhanin namin. Maraming nagsasuggest ng Lepanto, we'll see kung dun kami mag end up. Balitaan ko nalang kayo sa susunod na entry ko.

Friday, December 7, 2012

Zark's JAWBREAKER Burger




Matagal ng nababalita tong sikat na sikat na Zark's Burger. Matagal ko naring naririnig Jawbreaker. Wala lang pagkakataong makapasyal sa Taft, malayo layo sa opisina. Si Fluffy idol si Adam Richman ng Man VS. Food. Sabi ko sa kanya, don't you dare na gayahin si Adam, wala kaming excercise at ayokong mabyuda.

Biglang napag usapan ang TombStone, ang two pound cheeseburger at ang Jawbreaker. Yung mga ka opisina ko gustong sumali sa Jawbreaker challenge. Kung ako kakain sa Zark's hindi ako sasali sa kahit na anong challenge, kahit si Fluffy hindi ko pasasalihin.
Iba padin syempre yung na-nanamnam mo yung kinakain diba hindi yung lunok lang ng lunok. Sabi ko tutal may extra naman kaming pera, kaya pa ng budget na kumain at dumayo sa Zark's.

Kung mang gagaling kami sa bahay, malapit lang ang La Salle Taft mga 30 - 45 mins lang kasama na ang traffic. Dahil galing opisina, dadayuhin at gugugol ng mahigit isang oras na byahe.

Sobrang mausok sa Taft, parang sinagap ko ata lahat ng usok ng tambutso ng mga sasakyan. Pagdating sa La Salle, biglang sumama ang pakiramdam. Walang humpay na ubo, as in malutong na ubo na parang luluwa ang lalamunan ko. Pero syempre hindi ako papayag na sirain ng ubo ang planong makakain ng Jawbreaker.


Inorder namin isang Onion Dawg at dalawang Jawbreaker Burger, yung isan dine in yung isa to go.

Onion Dawg -  Deep fried hotdog with caramelized onion on top P70

Jawbreaker - Triple cheeseburger with spam, bacon and overflowing cheese sauce on top. If you finish this in 5 minutes, it's free P250.

Meron silang wall of fame sa harap at sa gilid. Maraming sumasali sa Jawbreaker challenge at maraming nagwagi. Pero sa Tombstone, iilan palang ang sumasali at nananalo. Eh pano ba naman ang sabi nila It Might Kill You on the spot!



Si Fluffy kumain ng Onion Dawg na may kasamang fries. Jawbreaker ang akin, pero wala pa sa kalahati super duper busog na ko.

Ayan pinagtulungan pa namin ni Fluffy ang Jawbreaker pero food won the battle. Hindi na kinaya ng powers na ubusin lahat. Sobrang bigat sa tyan promise. Saludo ko sa mga sumasali sa challenge na kaya nilang ubusin yan within 5 minutes.


Dalawang Jawbreaker inorder namin, take out yun isa jan



Sunday, December 2, 2012

Blog Deletion Warning!

Hindi ko na maalala kung kelan ako huling nagpost. Nakareceive ng Blog Deletion Warning!

The blog is already


suspended for inactivity and is running the quarantine period, after which

it will be deleted. After deletion, it will not be possible to retrieve

their information. You may prevent this by writing a new post on your blog.

Kaya eto create kagad ng entry para hindi madelete ang pinaka mamahal kong blog. Tagal ko na palang hiatus. Babalik ako promise! Wag nyong idedelete blog ko.. :( huhuhu


Sunday, August 5, 2012

Binggrae Korean IceCream


Matagal tagal din pala kong hindi nakapag blog, eh pano nahihirapan ako sa bagong itsura ng blogspot. Naliligaw ako at hirap mag upload at isentro ang mga pictures. Ewan ko ba kung ako lang nakakaranas nito or pati ang ibang blogger.

Heniwei ngayong pagbabalik ko sa blog, ang topic ko ay tungkol sa Korea....

Hindi padin tapos ang Korean Invasion, nagsimula sa Koreanovelas, Korean Restaurants, Korean Beauty Products, Korean Culture at ngayon ang bagong kinababaliwan ang Korean Ice Cream. Pang tapat ata nila to sa sikat na sikat na Magnun ng Selecta.

Ayokong masayang ang pera kaya minabuting tanungin nalang sila kung ano pinaka sikat at pinaka mabenta. Sinuggest sakin ang Pangtoa and Samanco. Parang pamilyar sakin ang Melona parang madalas ko sya makita pero hindi ko maalala kung saan. Dahil hindi sinuggest, next time ko nalang oorderin.

Bago ko bumili nagpapicture muna ko sa mascot. Sayang ayaw ni fluffy, ang cute cute pa naman nila. Sa totoo lang habang pinagmamasdan silang dalawa, ako nahihirapan. Kase hirap sila makakita, kelangan itabingi yung ulo ng maskot para makasilip kung may gustong magpa picture. Naka ilang beses ko kalabitin yun babaeng mascot bago nya ko napansin sa gilid nya.


Etong Pangtoa, ang chocolate chiffon sandwich na ang palaman ay ice cream, hindi ko pa natitikman dahil super busog at bloated na ang tyan. Kakagaling lang kase sa Lunch Date namin ni fluffy. May free taste sila, maraming tumitikim, pero syempre ang mga Pinoy kuntento na sa libreng tikim. Ganun gawain ko sa grocery kapag maraming free taste, infairness nakakabusog kapag nakakarami ng tikim.

 Etong Samanco, Wafer sandwich na korteng fish na may lamang vanilla ice cream at red beans. Dito ko sobrang nacurious kung ano itsura ng fish. Ampfness ang babaw ko lang talaga. Kahit sobrang busog, hindi ko mapigilang titigan at isiping kainin na.


Habang naglalakad papuntang parking lot, hindi na tlga nakapag pigil at nagpaalam na kay fluffy na bubuksan ko na yung fish.


Ayan ang itsura ng loob ng fish, makapal at masarap yung vanilla ice cream.. Yung brown sa gilid yung matamis na redbeans. Nasiyahan naman ako sa natikman ko, yung chiffon sandwich mamaya ko palang titikman kase andito nako sa office, iniwan namin sa ref. Nakupo, hindi ko alam kung maaabutan ko pang buhay yun or malamang asa tyan na ni mommy.


Kanina nagresearch ako about Korean IceCream, masarap daw ang Melona.. ma try nga sa susunod na punta namin sa Robinson Manila. Ayan nga pala yung resibo sa ibaba XD.




Monday, June 4, 2012

AJISEN RAMEN


Sikat ang AJISEN Ramen sa ibang bansa at sikat din sya sa mga nakatira malapit sa Connecticut Greenhills.Kumain kapatid ko jan at hindi na naawa, kelangan i-tag pako talaga sa Facebook para inggitin, puwes.. anong akala mo sakin hindi mai-inggit. Harrrr.. for your information...na-inggit ako! hahaha.. Love you sis!

Pinalipas naman namin ng ilang araw.. take note mga ilang araw lang at gumora na kami ni fluffy sa Connecticut para hagilapin yan. Medyo nagkanda ligaw ligaw lagpas lagpas  kase hindi naman namin kabisado ang daan. Nagpakahirap pa kami hanapin meron naman palang malapit samin, sa Robinson's Manila, nwei nadayo na wala ng magagawa XD


Mga best seller ang inorder namin like Spicy Tuna Sashimi P255. Yan din inorder ng kapatid ko, gaya gaya much lang hehehe. Hindi ako mahilig sa mga sashimi, hindi ko gusto yung texture sa dila ng mga raw fish. Pero infairness kahit may pagka slimy (or feeling ko lang yun) masarap sya! walang lansa..


Jurassic Roll P395, pikit mata kong inorder yan dahil para sakin mahal sya. Daig pa nya ang presyo ng Ajisen Ramen. Laman nya sa loob: Ebi Tempura, Crabstick, Salmon Skin, sushi roll topped with grilled eel. Late ko na nalamang grilled eel pala yun asa ibabaw, mas ok nadin yun kase kung maaga ko nalaman baka hindi ko tinikman yan.


At syempre ang sikat na sikat na white broth ramen ang AJISEN RAMEN P235 barbeque pork, leek, boiled egg, cabbage and fungus. Good for 2 ang serving.. TSALAP! nabusog ako promise! sabi ko kay fluffy babalik kami..


Nagustuhan ni fluffy tong chili pepper nila na nilalagay sa spicy tuna pampatanggal ng lansa. Naghanap kami nyan kalapit na Japanese Store, sa SM lang pala namin matatagpuan. At ang resibo.. tantana.. naaaan.

Wait there's more after ng resibo...



At Syempre may PART 2 kagad hindi nakatiis binalikan kagad namin. Nabasa ko kase mas masarap daw ang Spicy Ramen.


Spicy Ramen P255 mahal lang sya ng Biente Pesos, same lang ng AJISEN Ramen may nadagdag lang na Spicy Pork. Kung bibili ka ng separate na Spicy Pork P35 ang presyo nya. Hay satisfied padin sa busog sa sarap babalik balikan namin talaga ang ramen nila.

Nagustuhan ko ang Crunchy Roll P210 8Pcs. Same same lang naman ang lasa sa ibang California Macky kinaibahan lang obvious sa pangalan..crunchy sya.


Pahabol na picture, enjoy na enjoy si fluffy sa Jurassic Roll na inorder nya..


At ang resibo sa AJISEN Part 2...

Tuesday, May 29, 2012

Chocolat - Deep Dark Chocolate Cakes


Mahilig ako sa cake lalo na pag Red Ribbon. Nahilig din sa Contis Manggo Bravo pero hindi nagtagal nasawa din at medyo may kamahalan kase. Lately pala nagre-research si fluffy kung saan ang next date na maraming cakes and pastries.

Kahapon nagcrave ako ng Buddy's Pancit Lucban na nilalagyan ng suka yun nga lang my iba daw kaming pupuntahan, next time nalang ang pancit Lucban. My surprise date pala sakin si fluffy sa may Burgos San Juan. Lately ine-explore namin ang San Juan, hindi naman kase kami taga jan kaya dumadayo lang. Madali lang naman pumunta sa Burgos, medyo naligaw lang pauwi dahil nahirapan hanapin yun F. Manalo papuntang Sta. Mesa.

Nag date kami ni fluffy sa Chocolat Deep Dark Chocolate Cake Store. Actually may apat silang branch, sa MOA na mas popular sila, sa Xavierville Ave, Sgt. Esguerra Ave at San Juan.


Inorder ni fluffy ang best seller nilang Death By Tablea P88 per slice and P700 ang whole. Hindi nagkamali ng inorder si fluffy, it taste so good and we like the bittersweet taste of it. And pahabol, this fabulous heavenly cake  melts in your mouth.

Inorder ko ang Blueberry Cheese Cake P120 per slice and P1140 ata ang whole. Medyo may kamahalan ang isang buo. Nabanggit ko sa previous entry na isa sa mga fave kong Blueberry Cheese Cake ay sa UCC na P202 per slice. Ngayon may katapat na sya, kasing thick at creamy pero hindi kasing mahal, dito nako ngayon sa Chocolat.


Umorder din kami ng MilkShake P80, Vanilla kay fluffy at Strawberry naman sakin. Hindi ko na ubos, ambigat sa tyan promise! Kalahati lang nainom ko den pinalipat nalang namin sa plastic cup para itake out.




Total bill namin P373, ayan nagpopost uli ako ng resibo. Paumanhin kung purple yung mga pictures, dahil kase sa ilaw nila yan.

Friday, April 27, 2012

Hanimun sa Bohol Part 5 - Island Hopping


Hanimun sa Bohol Part 1 - Bohol Bee Farm
Hanimun sa Bohol Part 2 - Whites and Greens Resort
Hanimun sa Bohol Part 3 - Countryside Tour
Hanimun sa Bohol Part 4 - Dumaluan Beach
Hanimun sa Bohol Part 5 - Island Hopping

Next is Island Hopping, base sa package na inavail namin boat rental for the island hopping tour is P1,500 for 2 depende samin kung whole day or half day pero same rate.Tatlo ang pinuntahan namin: una dolphin watching; pangalawa, isang island kung saan kami magpapakain ng fish at magsnorkling; pangatlo, virgin island.

Gumising kami ng maaga para mag dolphin watching, ansabi ng tourguide sa Countryside Tour dapat by 6am pumapalaot na kami dahil 6am to 7am sila nagsisilabasan. Base sa Itinerary 7am pa ang start kaya medyo na late kami ng dating sa gitna ng dagat, mga bandang 7:30am. Marami ng naunang nag aantay sa paglitaw ng mga dolphins. Hindi namin nakuhanan ng picture kase anlalayo nila, hindi kita ng camera. Kung merong malapit lapit hindi padin kita dahil natatabunan ng ibang boat sa paligid ng boat namin. Pero infairness, naenjoy ko ang paghabol sa mga dolphins! Saglit na saglit lang kami jan, mga 20 mins lang ata, dumiretso na kami dun sa island na pagsnorklingan.


Next is dun sa island kung saan kami magsnorkling. P150 ang rent sa snorkling gear so P300 kaming dalawa plus kelangan pa namin mag rent ng small boat daw kasama na ang tourguide para gabayan kami habang nag snorkling P700. Dagdag pa, P20 para sa skyflakes, presyong ginto, pero sige na nga okay nadin.Total of P1020 iba pa yung rent para sa malaking boat. All in all P2520, sa totoo lang napamahal kami, kase hindi na kelangan ng tourguide at small boat. From boat na nirent, pwedeng languyin hanggang pampang or dun sa lugar kung saan maraming fish. Tourguide... hmmmm... hmmmm.. wala akong maalala kung ano ginawa ng tourguide.


Sa lahat ng pinag snorklingan ko, dito ako pinaka nag enjoy magpakain ng isda. Nag snorkling nako sa Anilao, Laiya, Puerto Galera, Zambales at marami pang iba pero dito pinaka maraming isda. Medyo nakakapagod din pala kapag tumagal ka ng 2 oras sa tubig, nakakagutom.


Merong mga kainan sa island, pipili ka ng isda tapos depende sayo kung ipapa-ihaw mo o kung palalagyan ng sabaw. Ang sabi nila P400 isang kilo isang isda, sure na isang kilo daw ang bigat ng isda. So malaki laking isda yun. Hindi pa kasama ang bayad sa luto, kanin and drinks. Napagkasunduan namin na sa Dumaluan nalang uli kumain and masyado pang maaga para mag lunch.


Next destination ay ang Virgin Island. May sasalubong na bilihan ng mga buko. Dahil sa uhaw bumili kami ng isa P40, sobrang refreshing. Pinakayod pa namin yun laman, hmmmm sarap! Tumambay muna kami saglit sa bilihan ng buko, ramdam na ramdam ko kase ang init ng sikat ng araw. Then, lumakad na kami papunta dun sa maliit na isla. Kung titignan sa larawan sa itaas, yung isla yung nasa likuran namin yung may mga puno.

Grabe init buti nalang may dala kong payong, dalawang pose, dalawang picture lang kinuha namin then balik na sa boat. Gusto ko kase makabalik kagad sa resort ng makapag pahinga at makabawi ng tulog. Simula kase ng inaayos yung kasal hanggang sa hanimun hindi pako nakakabawi ng tulog. Feeling ko lahat ng energy ko naibigay ko nung nagpakain ako ng isda.. hahahaha.. KJ ko ba dahil hindi ko sinulit ang island hopping? hehehe.. sinulit ko naman nung nag island hopping ako sa CORON. (gawan ko ng entry sa susunod). At jan nagtatapos ang hanimun sa Bohol.. Napagkasunduan namin ni Fluffy na babalik kami dito at hahabaan na ang oras sa Island Hopping.

Next entry ko Cebu naman.