Hanimun sa Bohol Part 1 - Bohol Bee Farm
Hanimun sa Bohol Part 2 - Whites and Greens Resort
Hanimun sa Bohol Part 3 - Countryside Tour
Hanimun sa Bohol Part 4 - Dumaluan Beach
Hanimun sa Bohol Part 5 - Island Hopping
Next is Island Hopping, base sa package na inavail namin boat rental for the island hopping tour is P1,500 for 2 depende samin kung whole day or half day pero same rate.Tatlo ang pinuntahan namin: una dolphin watching; pangalawa, isang island kung saan kami magpapakain ng fish at magsnorkling; pangatlo, virgin island.
Gumising kami ng maaga para mag dolphin watching, ansabi ng tourguide sa Countryside Tour dapat by 6am pumapalaot na kami dahil 6am to 7am sila nagsisilabasan. Base sa Itinerary 7am pa ang start kaya medyo na late kami ng dating sa gitna ng dagat, mga bandang 7:30am. Marami ng naunang nag aantay sa paglitaw ng mga dolphins. Hindi namin nakuhanan ng picture kase anlalayo nila, hindi kita ng camera. Kung merong malapit lapit hindi padin kita dahil natatabunan ng ibang boat sa paligid ng boat namin. Pero infairness, naenjoy ko ang paghabol sa mga dolphins! Saglit na saglit lang kami jan, mga 20 mins lang ata, dumiretso na kami dun sa island na pagsnorklingan.
Next is dun sa island kung saan kami magsnorkling. P150 ang rent sa snorkling gear so P300 kaming dalawa plus kelangan pa namin mag rent ng small boat daw kasama na ang tourguide para gabayan kami habang nag snorkling P700. Dagdag pa, P20 para sa skyflakes, presyong ginto, pero sige na nga okay nadin.Total of P1020 iba pa yung rent para sa malaking boat. All in all P2520, sa totoo lang napamahal kami, kase hindi na kelangan ng tourguide at small boat. From boat na nirent, pwedeng languyin hanggang pampang or dun sa lugar kung saan maraming fish. Tourguide... hmmmm... hmmmm.. wala akong maalala kung ano ginawa ng tourguide.
Sa lahat ng pinag snorklingan ko, dito ako pinaka nag enjoy magpakain ng isda. Nag snorkling nako sa Anilao, Laiya, Puerto Galera, Zambales at marami pang iba pero dito pinaka maraming isda. Medyo nakakapagod din pala kapag tumagal ka ng 2 oras sa tubig, nakakagutom.
Merong mga kainan sa island, pipili ka ng isda tapos depende sayo kung ipapa-ihaw mo o kung palalagyan ng sabaw. Ang sabi nila P400 isang kilo isang isda, sure na isang kilo daw ang bigat ng isda. So malaki laking isda yun. Hindi pa kasama ang bayad sa luto, kanin and drinks. Napagkasunduan namin na sa Dumaluan nalang uli kumain and masyado pang maaga para mag lunch.
Next destination ay ang Virgin Island. May sasalubong na bilihan ng mga buko. Dahil sa uhaw bumili kami ng isa P40, sobrang refreshing. Pinakayod pa namin yun laman, hmmmm sarap! Tumambay muna kami saglit sa bilihan ng buko, ramdam na ramdam ko kase ang init ng sikat ng araw. Then, lumakad na kami papunta dun sa maliit na isla. Kung titignan sa larawan sa itaas, yung isla yung nasa likuran namin yung may mga puno.
Grabe init buti nalang may dala kong payong, dalawang pose, dalawang picture lang kinuha namin then balik na sa boat. Gusto ko kase makabalik kagad sa resort ng makapag pahinga at makabawi ng tulog. Simula kase ng inaayos yung kasal hanggang sa hanimun hindi pako nakakabawi ng tulog. Feeling ko lahat ng energy ko naibigay ko nung nagpakain ako ng isda.. hahahaha.. KJ ko ba dahil hindi ko sinulit ang island hopping? hehehe.. sinulit ko naman nung nag island hopping ako sa CORON. (gawan ko ng entry sa susunod). At jan nagtatapos ang hanimun sa Bohol.. Napagkasunduan namin ni Fluffy na babalik kami dito at hahabaan na ang oras sa Island Hopping.
Next entry ko Cebu naman.
may lugar pa palang ganyan sa pilipins..
ReplyDeletekaganda naman... :)
ingat po lagi
yup ang ganda ng Bohol.. ang daming fish.. nakakatuwa promise!
DeleteAng daming fish! I love all the underwater photos!
ReplyDeleteThanks!.. sarap mag picture sa ilalim ng tubig..
DeleteDear Babaeng Lakwatsera,
ReplyDeleteWe would like to invite you to the launching of McCormick’s new Facebook app in the event “Discover Flavors”. Join us on May 10, 2012 as we explore zesty surprises behind McCormick's herbs and spices. We’ll be waiting for you at Fully Booked TopShelf, B6 Bonifacio High Street, 11th Avenue, Bonifacio Global City, Taguig at 3:00pm.
Don’t forget to RSVP to JC Pullan on or before May 9, 2012. You can reach him at the following contact details
E-mail: jc@dualactionblender.com
Mobile: 09166426832
Telephone: 7503416
See you there!
Cheers,
Princess Tan
for Dual Action Blender
naku sayang now ko lang nakita tong message :(
Deletewow. ang ganda.
ReplyDeletei really miss snorkeling.
Yup ganda jan andaming fish kakatuwa
Deletematagal na rin na hindi ako nakakapunta uli ng bohol....
ReplyDeleteGusto ko din bumalik ng Bohol sarap balik balikan tlga..
Deletesnorkeling! ganda naman sa Bohol... anong underwater camera gamit mo? ang linaw :)
ReplyDeleteOlympus gamit nmin un pinakaunang underwater cam nila.. =)
Delete