Sunday, October 17, 2010

Celebration at YingYing


Sa Ying Ying sa Binondo ang napili kong place para icelebrate ang birthday ko, big serving at mura pa. First week palang ng September nag try nako magpa reserved, sad to say 70 na daw nakareserved sa pinili kong date. Medyo nakakalungkot kase pinagmamalaki ko pa naman yung place dahil masarap mga food dun. Dahil sa may kakulitan, naka ilang beses ako nag try magpareserved. Ayun same ang sagot, pero if i want daw, mag walk in nalang at mag antay ng magiging available na table. Ininform ko mga sisters ko, walk in lang kami kaya bawal late.

10AM nag meet kami ni fluffy (gwapo ni fluffy) sa 711 para maaga kaming makarating sa Binondo. Kelangan makapag pa reserve ng mga tables. Andaeng tao kahit wala pang lunch time, puno na yung place. Sa wakas after an hour nakakuha kami ng 3 tables at pinagdikit dikit nalang

Nagulat mga kapatid ko andaeng tao sa loob, andaeng kumakain, sabi ng mom ko mukhang mabenta daw yung place kase andaeng nagte-take out.

Eto mga inorder namin:

Yang Chow (3 orders for 3 tables)

Syempre hindi puwedeng wala nito sa hapag kainan. The best ang Yang Chow nila kung makikita nyo sa picture, ang lalaki ng sahog at maraming hipon. Simot ang rice namin sa tatlong table, kahit hindi na lagyan ng ulam, solb na.


Soy Chicken 1/2

Eto ang favorite ni mommy na first time nya matikman sa Wai Ying at second time sa Ying Ying. Pati ang brother in law ko nasarap dito sa manok dahil sobrang malasa at makatas ang manok. Nilalagyan ng green onions na bumabagay sa sarsa ng manok.

Seaweeds and Century Egg

Spicy Seaweeds na parang gelatin ang texture. Bumagay ang pagka spicy nya para matanggal at hindi malasahan ang lansa. Yung Century Egg hindi ko natikman kaya hindi ko alam kung masarap sya or hindi. Malamang masarap kase naubos bigla.

Roasted Duck 1/2

Eto ang medyo na deadma sa mga order namin, you know why..? Malakas daw kase sa cholesterol. Nakalimutan ko kaseng may lahi nga pala kami ng highblood at hindi naman ako masyadong aware na macholesterol pala etong duck na ito. Siguro mga 3 piraso lang nabawas jan.

Pork Asado 1 kilo
Mabenta din itong Pork asado sa mga pamangkin ko, buti nalang isang kilo ang inorder ko. Good for 3 tables at may na pabalot pa kami. Maganda ang pagkaka marinate nila dahil malasa ang katas sa bawat kagat sa pork. Kaya kahit busog na, pinapapak padin ng mga pamangkin ko.



Lemon Chicken

Eto medyo nadeadma din tulad ng duck, kase matigas yung breading and sobrang maasim yung sauce. Actually naiintindihan naman namin dahil sabi nga sa pangalan nito "Lemon Chicken". Buti nalang at small lang ang inorder ko.


HAKAO (2 orders)

Nung una ay dineadma ng mga kapatid at pamangkin ko ang Hakao kase first time lang nila nakita yan. So, pinakilala ko sa kanila si Hakao, nilagyan ko yung plate nila para wala silang choice kundi kainin. Hindi nila expected ang lasa dahil weird ang itsura pero the best ang lasa. Sobrang nagustuhan ng pamangkin ko ang Hakao.

Fish Fillet Sweet and Sour Sauce ( 2 Orders)

Ang benta nito promise, sobrang sarap ng Fish Fillet nila gustong gusto ng family ko.

Eto ang the best sa mga orders namin, eto ang sa tingin kong pinaka best seller nila ang Fish Fillet. Dalawang order na tig isang kilo, so dalawang kilo ng Fish Fillet ang inorder namin. Hindi makaget over mga kapatid ko sa lasa.

Birthday Seafood Noodles


Dahil sa birthday ko, natural kelangan may birthday noodle. Sinuggest nung waitress na orderin namin ang Birthday Seafood Noodles dahil yan daw ang mabenta sa mga noodles nila at hindi naman sya nagkamali ng sinuggest dahil nagustuhan ng mga bata ang pansit.


Beef Brocolli

Eto mabenta din ito, dahil hindi ko sya natikman. I'm sure masarap dahil simot ang pinggan, so malamang sa malamang masarap nga sya.. hihihi..



At eto ang aftermath


My mom with my two niece, may pagkakahawig silang tatlo, mga bilugan.. wahihihi LOL peace tayo mom.. (sexy sexy ng mommy ko,,, ayun oh.. nambola pa biglang bawi)



Mukhang nasarapan ang family ko sa mga inorder ko kase happing happy sila sa mga pictures.


Ayun oh, parang baby face.. hindi halata ang edad sa mukha.. wahihihi.. pagbigyan nyo nako magbuhat ng sariling bangko.. bangko ko naman yun eh.. (corny ko lang)

At syempre, isinama ko si gwapong fluffy para ma meet ng family ko. Tuwang tuwa sila lalo na ang mommy ko dahil finally my pinakilala kong boyfriend sa mismong araw ng celebration ng birthday ko (hahaha..sobrang overwhelmed kase happy sila for me.. Uy! boto ang family ko!)

Belated Happy Birthday to me (late na kase tong post ko.. hihihi)

Tuesday, October 12, 2010

Birthday ko

Masyadong late na tong post ko kase dapat last month pa to. Gusto ko lang i-share yung mga gifts na nareceive ko galing sa mga special na tao sa buhay ko.

Tumbler ng Starbucks from Payat (Thanks payat, sobrang naapreciate ko yung effort mo kahit wala kang tulog basta makapag spent ka lang ng time sakin.. salamat dahil pinagtyagaan mo ko)
Noon ko pa gustong magka tumbler ng Starbucks pero dahil sa mahal sya hanggang ligaw tingin nalang ako. Pero dahil sa birthday ko, yan ang gift ni payat sakin. Actually, second week palang ata ng September nung binigay nya sakin yan, sobrang aga pa dahil sobrang excited ako.
Pagdating ko sa office sa mismong araw ng birthday ko, bigla akong sinabihan ni mrs romantiko na wag ako lalapit sa cube nya. Eh, pano kaya yun, magkatapat cube namin. Maya maya pinakita nya na sakin ang gift nila ni chedengski. Sobrang cute ng cake ko yipeeeeeeeeeee.. again Starbucks uli.
Starbucks Chocolate Mousse from Mrs. Romantiko
At ang Pretzel para pandagdag design sa cake bigay din ni Mrs Romantiko. Sayang hindi ko nakuhanan ng picture yung pandesal na gift ni Mr. Romantiko.

Starbucks Blueberry Cheese cake from Chedengski
Formal attire, eh?! Nagkataon sa araw ng birthday ko kelangan magpapicture ng buong team namin para sa official.... hmmmm official.. ano nga ba tawag dun..? Official Team picture ba tawag dun..?
Gift ni doc sakin, isang pirasong kisses. hehehe.. nakakatuwa..
Starbucks again... Bigay sakin ni fluffy Starbucks Chocolate Chip.. Puro Starbucks ako nung birthday ko.. at hindi jan nag tatapos..
Sinurprise ako ni payat, Starbucks cake.. nakalimutan ko name nung cake. Akala ko yung tumbler na yung gift nya, may pahabol pa pala..
Dahil sa walang small candle naisipan nalang namin na gamitin yung candle kapag brown out. Abah,.. hinugasan ko yan bago itirik sa cake noh..
Last,.. ang gift sakin ni fluffy.. Thanks sa angel at thanks sa Starbucks Chocolate chip chuva.. ano nga pala name nung frappe na un.. alam ko mahaba un eh..
Next, .. celebration ng birthday ko kasama ang family ko..

Wednesday, September 15, 2010

Roxas Boulevard and Recipes


Habang kumakain kami sa UCC, naisipan ni Chyng na next naming puntahan ang Baywalk para doon i-continue ang photoshoot (lahat ng picture galing sa dslr ni Chyng na si Harvey). Inantay lang namin tumila ang malakas na ulan then gogora na kami sa paglalakad. (parang my kinakasal na tikbalang, umuulan ng malakas habang matindi ang sikat ng araw).

Parang dalawang kanto bago makarating sa baywalk kaya chika to the max muna kaming tatlo. Then syempre photoshoot na naman, weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!

Hindi na makaisip ng bagong posing si payat kaya posing ng pang tamad daw muna, ano yan payat sasayaw ka ba ng ocho ocho?




Hala! wala palang cover ang aking tummy, di bale hindi naman kita ang aking mga fats kahit nag i-inhale exhale ako. (kahapon hindi ako nakapag hiphop abs, umuulan kase.. hahahaha LOL nitatamad lang ako ^_^ )



Inantay naming sumindi mga lights then babalik din kagad kami sa Robinson's. Walang araw natatabunan ng mga clouds kakagaling lang kase sa ulan.



Nakakagutom mag posing gora bangbang na kami pabalik sa Robinson's para itry naman ang Recipes na sinuggest ni Chyng.

Eto ang Gising Gising, hindi kumakain ng gulay si payat pero napakain sya ng di-oras. Hindi sa pinilit namin sya, dahil nasarapan sya. Ako naman walang problema, fave ko ginataang gulay, hihingi sana ako ng sili para durugin sa gulay hihihi parang Bicol Express. Actually hindi namin naubos yung gulay at inuwi ko para matikman ng mom ko. Nasarapan sya sa timpla at plano nyang gayahin ang pagkakaluto.




Eto ang the best, as in the best talaga ang pagkakaluto. Nakakatuwa naka separate na yung laman sa tinik and pinatong yung slice na laman sa ibabaw ng kalansay ng isda. Crunchy yun breading nya at ang sarap ng combination ng sawsawan nila. Malaki yung tilapia kaya hindi nakakabitin, swak na swak sa tatlong tao. Pero mas tinira ko ng tinira yung gulay padin :D



Eto naman lasang Chinese Imperial ng KFC, General Chicken ata pangalan nito na may talong. Inabsorbed ng talong yung sweet sauce kaya malasa din sya. Kahit ma-sauce yung chicken, crunchy padin yung breading.



Hindi nagkamali ng sinuggest si Chyng, tama the best ang mga sinuggest nyang food samin. Syempre hindi ito ang first and last na kakain kami dito, mauulit to for sure.


Monday, September 13, 2010

Lakwatsahan with Chyng

Super duper hectic ng schedule ko last Saturday at the same time masama ang pakiramdam ko. Syempre bawal mag absent kase naka scheduled halfday ako, means, nag file ako ng vacation leave pero halfday lang, kelangan tipidin ang VL. At tutal weekend naman na kaya makakapagpahinga ng Linggo at Lunes.

Pumasok ako at kinausap ko ang mga Taiwanese na visitors namin about sa mga bagay bagay na dapat pag-usapan. Alas sais ang halfday ko pero 6:30AM na hindi pa tapos ang trabaho, medyo pumipintig na ang ulo ko sa kirot. Pagdating sa bahay umidlip muna sa tindi ng hilo at kirot ng ulo, may aatenan pa kaming binyag kelangan gumising at mag ayos din kagad.

Naligaw kami at nagpark sa maling reception, akala namin Kamayan yun pala Kamay Kainan, parehas kasing letter K ang simula nakaka confuse hihihi. Nakay Pachuchay pa ang mga pictures, i-blog ko nalang sa mga susunod na araw yung mga kinain namin. After naming mag eat all you can, dumiretso kami sa Lotsa (hindi ko na maalala kung tama ba yung name, masakit na kase ulo ko that time. Hindi na masyadong nagfa-function ang brain ko.). Tinignan namin yung place, naghahanap kami ng magandang venue para sa darating na birthday ng mom ko. After namin icheck yun place, uwian na pero ako hindi pa. Nagtext si Chyng nasa Lrt na daw sya, buti nalang malapit na ko sa Tayuman at nagpababa nalang ako sa LRT.

Tinext ko si payat nasa Makati pa daw sya nakikipag chikahan sa mga dating ka opismates. Kaya kami muna ni Chyng ang nagkita then sumunod nalang sya. Sobrang nakakatuwa parang matagal na kaming magkakilala the way kami magchikahan.Mas lalong naging masaya ng ilabas ni Chyng si Harvey (tama ba ang name hihihi medyo hilo padin ata ako until now). At naka prime lense sya kaya ang kinis kinis ng mukha namin at dalawang tigyawat ko lang ang visible sa pictures. At eto pa.. pangarap maging model ni payat, kaya tuwang tuwa ng gawing model ni Chyng at walang pakundangang nag pose ng nag pose si payat.. hahaha..


I Love My Bag, panakip sa mga naglalabasang taba sa mga sagigilid ng aking beywang. hihihi.. Parang commercial lang ng Lesofat nyahahah.. I-cover ang mga fats, hayz.. itutuloy ko na nga ang aking HipHop Abs para hindi na kelangan magtago sa malaking bag.

Si payat feeling model ng stairs, ganda ng kuha panira lang si manong sa likod gustong maging extra. Buti pa si payat hindi kelangan magtago sa bag.

Nagsama ang parehas na payat parang nakakahiyang tumabi, kitang kita kagad ang kinaibahan ko sa kanila,.. Nakaka-inggit!! hihihi


Naghanap kami ng matatambayan para ituloy ang chikahan and sinuggest ni Chyng sa UUC, masarap daw mga cheese cakes dun. Inorder ni Payat ang Oreo Cheese cake and kami ni Chyng prehas ng inorder, i think it's Blueberry cheese cake. Then again, paumanhin hindi gumagana brain ko that time, paki correct nalang me kung mali.. hihihih..


Picture palang yummy na, sobrang thick and creamy ng cheese cake nila as in thumbs up talaga. Isa ang UUC sa mga kinatatakutan naming pasukin, takot kami ma shock sa price pero affordable naman pala Php 99 ang isang slice.


Ang Oreo Cheese Cake ni payat (gitna) masarap din naman pero naliligaw ang tinidor nya sa platito ko. Masarap din naman pero first time ni payat pumuri sa cake na hindi chocolate.

Ang babaeng hindi maawat sa pag posing, sige na nga bibili na ko ng prime lense para gumanda na din ang mga kuha ko ^_^.


Pasaway na tigyawat yan, naki posing pa kasama ang cheese cake, inpeyrness magaganda mga pictures namin. Salamat Chyng at Harvey sa mga nag gagandang pictures dito sa blog ko :D.

Tuesday, September 7, 2010

Travel Expo

Lately natatamad ako mag blog, natatamad ako mag work, natatamad ako mag Facebook, at natatamad ako kumilos kapag asa opisina. Iniisip ko, baka dahil amfanget ng location ng kinauupuan ko, asa tabi ng kanto, as in kantong kanto. Amfanget sa pakiramdam, sana ilipat na ko ng cube ayoko dito.

Nwei,... simulan ko na nga ang kwento...

Nakareceived ako ng message galing kay Chyng about sa Travel Expo sa Megamall (buti nalang binuksan ko uli FB ko). Kung mapapansin nyo, wala kaming out of town ni payat or never kami nakatungtong sa lupa or nakalanghap ng sariwang hangin sa ibang bansa and you know why?... why?!! why nga ba??!! Takot kaming lumayo kay Manila, close kami hehehehe..corny.. Elib nga ako kay Chyng, nakakapag lakwatsa magisa.. nakasurvive pa ng Sagada.. ASTIG!!

Ayun na nga, Saturda after shift ay gumora bang bang kami sa Megatrade, nauna kami ni payat sa Megamall. Pagpasok namin, kabooooooooooom!! nakakaloka at nakakahilo sa dami ng tao. Naloka ako sa dami ng puwedeng puntahan, nahilo ako kakapili pero nag end up kami sa wala as in wala paksyet lang diba. Nyeta! Php88 lang airfare, kumuha kami ng number pang 386 kami, alas kwatro na no# 120 palang inaasikaso nila. Malamang tinubuan na kami ng ugat at dahon bago tawagin ang number namin. Minabuti naming lumabas muna at maghanap ng mauupuan, nabugbog ang maganda kong katawan kakabungo ng mga taong nasasalubong sa daan.

Dumating si khantotantra galing Quiapo at namili ng maraming DVD plano daw nya mag dvd marathon. Dumaan lang sa mall para kamustahin kami den umalis din sya kagad after mag hi and hello. Alas singko ng dumating si Mapanuri at Spiderham, nagtext at nasa entrance na daw sila. Wala pa atang kinse minuto tinagal nila sa loob, hindi nila nakayanan ang dae ng tao.

Nakakapanlumo, hinayang na hinayang ako. Siguro kung umaga palang andun na kami ni payat siguro nakakuha kami ng number kagad at nakapag pa book kami. But nwei, siguro may rason kung bakit hindi kami nakapag pa book, baka hindi pa ngayon ang panahon para makaamoy ng sariwang hangin sa Cebu at Bohol. Hindi pa ngayon ang panahon para masilayan ang Singapore. Masaya pa naman ako sa amoy ng Recto, kuntento pa naman ako sa magandang view ng squatter. Sa susunod suswertihin din kami!!

Niyaya ko nalang sila kumain at mag dessert para naman sumaya saya ako ng konti. Napadpad kami sa Crepes, first time kumain nila Mapanuri dito.

Inorder ko Banana Chocoloate Almond Temptation Crepes Php 109 or 199 nakalimutan ko na basta lagpas isang daan. The best talaga, pangtanggal pagod, stress, ng pagka haggard at pagka exhaust. Messy sya kainin pero kiber kahit bumubulwak yung ice cream kering keri padin.

Eto naman yung order ni Mapanuri, Banana de Leche parang kaseng lasa lang ng ice cream ng inorder ko. Kinaibahan lang walang chocolate syrup.



Eto yung kay Spiderham, Cheesy Hotdog na missing in action! Parang sinasabi nung hotdog: hanapin nyo ko.. hanapin nyo ko.. hindi nyo ko makikita.. hulaan nyo kung asan ako. Actually, hindi inubos ni Spidey yung Cheesy Hotdog, napagod ata sya kakahalukay sa hotdog na nakikipag laro ng hide and seek.



Sarap kumain!!

Yung mga pictures galing kay Mapanuri ^_^

Friday, September 3, 2010

Bonding bonding..

Bago umalis ng bansa patungong Japan si tikling, nagbonding bonding kami. Eto nga pala yun dapat na part 2, eto yung Part 1 (Frostings).

After namin makitambay at makisalamuha sa mga nakatambay sa labas ng Starbucks ay dumiretso kami sa Conti's (again?! pang ilang entry ko na nga ba 'to?! paumanhin nakaka-adik naman kase yung cake nila eh ^_^ )

Hindi ko nakuhanan ng picture yung mga cake na inorder nung ibang kasama namin, medyo bangag at pagod na ko that time. Pinipilit ko na nga lang idilat mga mata ko, pinipilit ko na lang pakilusin ang katawan ko, pinipilit kong makitawa kapag nagtatawanan sila dahil parang natutulog na ang utak ko. Hirap pala ng ganun noh, kapag sobrang pagod na ang katawan, hindi na tumatalab ang kape.

Dahil antok na utak ko nakatulala na lang ako sa menu at inaantay nila kung anong order ko. Nakita ata ni Guile na hirap nako magisip, sinuggest nalang nya Baked Prawns (Actually nakalimutan ko na name). Yung isa binigay ko kay Yman hindi ko na kayang ubusin hindi na kayang mag digest ng tyan ko, sobrang antok na din sya.

Eto order ni Guile, Baked Salmon. Hindi ako mahilig sa Salmon pero inpeyrness masarap sya at the best ang pagkakaluto hindi malansa. Yung iba dahil malayo yung plate nila, hindi na mareach ng camera ko and sobrang nghihina na talaga hindi na makakilos sa kinauupuan.

1AM na ako nakarating sa bahay, hindi ko ka namalayan nakatulog pala ako sa taxi buti nalang ginising ako ng tropa ko at kelangan na daw naming bumaba.

Chika chika muna pagdating sa bahay, gising pa mommy ko inaantay pala ko makauwi. Inuwian ko sya ng Baked Macaroni. Kelangan matulog kagad maaga pa kami gigising at magbobonding din kami ng mom ko.

Kinabukasan, kumain kami ng brunch ng mom ko sa WaiYing Tondo malapit sa Metropolitan Hospital. Bonding bonding namin ng mom ko ang kumain. Sabay naman talaga kami kumain, pero syempre may halong kwentuhan yun.

Inorder ng mom ko Soy Chicken tapos ako parang sweet honey chuva pork, nakalimutan ko name at nakalimutan ko sya kuhanan ng picture dahil gutom nako. Ano ba yan nagiging makakalimutin na ako, napapagod ata ako sa byahe ko papasok at pauwi galing opisina.
Maga pa yun mata ng mom ko halatang medyo bagong gising lang kami, napuyat dahil late ako umuwi.