Wednesday, June 30, 2010

Pasig River Cruise



Nang mapanood ko ang movie ng I Miss You Like Crazy ni John Loyd at Bea ay nainggit ako at gusto ko maexperience ang pag sakay sa Ferry na sinakyan nila. Hindi puwedeng palampasin at kelangan maexperience ko din ang pagsakay dito para ma ilagay ko dito sa blog ko. Pero nawalan ako ng pag asa dahil parang walang may gustong sumama samin ni payat. Ayoko ng kaming dalawa lang ni payat ang sumakay doon dahil hindi kami parehas marunong mag swimming. Kapag nag si-swimming kami ay tinatawanan ako ni payat dahil langoy aso lang ang alam ko. Parang asong bundat nga daw (ouch!!).

Isang araw ay binigla ako ni bullyjepjep na sasakay daw kami ng Pasig River Cruise, shocks hindi ako handa at hindi ko dala si Pachuchay (ang aking dslr). Pero sige gora nalang at dala ko naman ang aking cellphone. Tinext ko si payat at sinabi kong sasakay kami sa ferry at tuwang tuwa si payat dahil another adventure itech.

Unang station na sinakyan namin ay Guadalupe at bababa kami sa Intramuros. Nagbabakasakaling makita ko ang mga bato ni Bea at makita ko ang lalaking nakasalamin sa may ilog na si John Loyd. At pupunta kami sa Baluarte ng Intramuros baka makita ko si Lolo na nang hula kay Bea. Wenk bigla akong kinorrect ni payat, hindi daw Intramuros yun kundi Paco Park. Sige na nga next time pupunta ako sa Paco Park bago ko sumakay sa Cruise uli baka makita ko si Lolo.

Tinawag na kami upang bumaba na dahil parating na ang Cruise. Nagpicture picture-an muna kami para syempre remembrance noh. Obvious naman sa mga ngiti namin na excited na kami makasakay sa Ferry.
Medyo may amoy pa ang Pasig River pero hindi na sya amoy pagka pasok sa ng cruise dahil aircondition ang loob nito. Medyo konti lang ang sakay nito siguro dahil may pasok sa araw na ito.

Eto ang istasyong pinanggalingan namin, ang Guadalupe at umaandar na ang ferry namin.

Kinunan ko ng picture ang dalawang kasama namin ni payat, si bullyjepjep at si bossing habang pinaguusapan nila ang mga station na dadaanan namin.
Sinabihan kami na puwede namin kuhanan ng picture ang ibang building except sa Malacanang, for security purpose daw at sinunod naman namin ito.

Nang pinanood namin ng mommy ko ang I Miss You Like Crazy ay nacurious kami parehas kung may Lambingan station ba talaga or imbento lang para sa movie. Kaya sobrang inabangan ko kung merong ganitong station at sobrang tuwang tuwa ako ng madaanan namin ito. Nag iilusyon na naman ako na makita si John Loyd, yiheeeeee *kilig*.
Pagkakitang pagkakita ko sa Lambingan station ay kinuhanan ko kagad ng picture at sabay text sa mommy ko para ipagmalaki na nakita ko ang station na ito (weird ko lang). hihihi.. Last station ay ang Mexico Intramuros station. Hindi ko na nakuhanan ng Litrato kase excited na ako makapunta muli sa Intramuros at makita ang dati kong tambayan, ang Baluarte San Diego. Ikwe-kwento ko sa susunod na entry ko.

Sunday, June 27, 2010

PopStar PizzaHut




Another bonding moment namin ng mom ko. Naisipan naming mag lunch sa Pizza hut at umorder ng PopStar pizza. Nacurious lang kami kung ano lasa.
While waiting for our order naisipan ko muna kunan ng picture yung place. Gusto ko ang bagong bihis ng Pizza hut dito sa Rob Mla dahil parang ambango nya tignan. Unlike before sobrang liit at sikip ng puwesto nila. Ngayon dim light padin naman pero hindi na tulad dati na sobrang dilim.
Sa pinaka dulo kami pumwesto ng mom ko kung saan makikita namin yung kitchen. Gusto namin makita ang mga order ng iba na dadaan sa harapan namin, wala lang trip lang namin.


Emo look daw sabi ng mom ko, aba sosyal ang kikay kikay lang ng aking mother parang teenager. Nakakatuwa ang mom ko kase parang kasing edad ko lang kahit malapit na sya mag senior citizen next year. (faktay binuking ko na naman sya)

Gusto ko yung sausage ng PopStar sobrang juicy and meron syang cheese dip pero hindi ko na nakunan ng picture. Hindi ako fan ng cheese dip kaya hindi ko sya masyadong di-nip. Pinaliguan ko ng hot sauce ang pizza ko dahil mas preferred ko ang spicy food. Gusto ko din yung green and red pepper nila, crunchy and sweet yung taste nya.

Tig dalawang slice lang kami ng mom ko then tinake out namin yung natira namin para pasalubong namin sa ate ko.

Friday, June 25, 2010

Savory


Nagbonding kami ng ate at mom ko at naisipan naming kumain sa mall. Gusto nila ng chopsuey at gusto ko ng manok, kaya nagkasundo ang lahat na sa Savory kami kumain. Habang umoorder na kami ng mom ko ay kelangan balikan muna ng ate ko ang trabaho nya at babalik sya kapag lahat ng inorder namin ay nasa lamesa na. Kaya kung mapapansin nyo, mom ko lang ang my picture at wala ang ate ko. ^_^
Ayaw magpapicture ng mom ko kaya tinakpan nya ng menu ang face nya pero naka smile padin para makita ang beautiful eyes nya. Parang model lang ng Savory,.. Winner talaga ang mommy ko the best.


Eto ang chopsuey na sobrang sarap na sarap sila. Semi vegetarian ang family ko, mas pipiliing kumain ng gulay kesa meat.


Dalawang Tropical juice para sa mom at sister ko at Ice tea naman ang inorder ko.



Hindi na dapat kami oorder ng Yang Chow rice kase gabi na daw sabi ng mom ko. Gusto nya papakin nalang namin yung mga ulam na inorder namin. Tataba daw ako lalo dahil alam nya ako lang kakain ng kanin saming tatlo.



Half chicken lang ang inorder namin dahil mahina magsikain ang dalawang kasama ko.


Pabalik na kami sa 35 floor at naisipan kong kunan sila ng picture.. Happy Weekend guys..

Tuesday, June 22, 2010

Burger King


Kinain ng bills ko ang sweldo ko nitong nakaraang cut off. Imagine ang bill ko sa Meralco ay triple ng bill ko noong nakaraang February. Bill ko sa Globe dapat ay 700 lang dahil my Rebate ako, ngayon nagulat ako dahil 1300 sya. Hindi ko pa naitatawag ito sa Globe dahil sa aking busy schedule. Ang tubig ko, same padin naman at ang Smart Bro.

Pinagkakasya ko ang pera ko dahil malayo pa ang sweldo, ganun din si payat. Sobrang tipid naming dalawa, kaya nung Sabado, ay naghanap kami ng makakain na nakakabusog pero hindi kakainin ang natitira naming pera sa bulsa.

Nilibot namin ang foodcourt ng Gateway at doon namin nakita ang bagong promo offer ng Burger King, ang Buy 1 take 1 na Whooper Jr. burger sa halagang Php 170.
Humingi ng apat na ketchup si payat dahil alam nyang hindi ko kakainin ang fries kapag wala nito. Pinahulaan pa sakin ni payat kung ano brand ng ketchup dahil sobrang swak na swak ang panlasa. At hindi ako nagkamali sa aking paghula, Heinz ang ketchup nila.

Nakakatuwa ang lalagyanan ng softdrinks ng BK tulad ng Wendys. Napaka environmentally friendly ng mga lalagyanan. Kung mapapansin nyo sa larawan, ang fries ay nakalagay sa karton. Ang burger ay nakabalot sa papel na makinis. Ang Coke nila ay nakalagay sa karton. Mababawasan na ang mga plastic sa mundo na mahirap tunawin. Pero, ang sabi nila ay mababawasan din daw ang mga puno dahil eto ang ginagamit sa pag gawa ng papel.


Second time ko palang kumain ng burger ng BK at sobrang nasarapan ako sa beef patty nila. Sobrang malinamnam at juicy ang burger sa murang halaga. (naks parang nagcocommercial lang huh wala naman ako kikitain pero nabusog naman ako.. naks)


Hindi kumakain ng pickles si payat kaya nilipat nya ang pickles sa burger ko. Buti si payat natuto ng kumain ng ibang gulay. Pero ang pickles at olives, hindi padin nya ka close.

Eto ang resibo namin, hanggang sa susunod uli.. blogaboom


Monday, June 21, 2010

Lunch


This shabu shabu soup was my lunch last Saturday.

Courtesy of Ms. Ruby, one of our generous managers here.

'Twas a great lunch

My Stomach and I, enjoyed it until to the very last bits :)


Friday, June 18, 2010

Jack's Loft



Eto ay halungkat sa baul dahil ito ay naganap noong June 28, 2008. Noong panahong may brace pa ako kaya kung mapapansin nyo ay iba ang itsura ko. (Sexy pa ko nung time na yan! Pagbigyan nyo na ko, blog ko naman ito. nyahahaha).


Napadpad kami sa Jack's Loft dahil may nag suggest samin nung panahon na yon. I-try daw namin ang kakaibang Ice tea ng nasabing kainan. Magugulat daw kami sa aming makikita, kami naman mga uto-uto tinry namin (wahehehe).

Umorder kami ng pasta, spicy buffalo wings, spicy gambas and nakalimutan ko na name nung cake.

Mudslide ata yung cake basta nakalimutan ko na. If ever natripan nyo at gusto nyo umorder ng tulad ng cake sa larawan, hanapin nyo na lang ang imahe sa menu nila.



At syempre ang pinagmamalaki nilang MALAKING ICE TEA hindi namin palalampasin!




Hanggang sa uulitin! baka makahagilap pa ako ng mga litrato sa baul..








Chicken Ceasar Salad




Kahapon bago kami umuwi ay naisipan naming kumain muna sa Gateway. Dahil sa diet kunwari ako ay inorder ko ang Chicken Ceasar Salad ng Wendys. Namali ako ng order dahil ang paborito ko nga pala sa Wendys ay ang Taco Supremo Salad. Pero okay lang nabayaran ko na hehehe. First time ko ba mag blog ng gulay? Para maiba naman dahil vegetarian talaga ako (nyahahaha).


Gustong gusto ko yung durog na bacon sa ibabaw ng salad kase binabalance nya yung lasa. Jan sa picture wala pa yung dressings kaya parang dry. Naisip ko nga sa sweldo bumili ako ng vegi na pang salad at dressings para sa bahay nalang ako gumawa dahil mahal kung lagi akong bibili sa Wendys diba.


At bago kami umuwi ng tuluyan ay naglaro muna ang dalawang kasama ko. Nagkarerahan sila ng kotse sa Time Zone. Sabi ni *** wag ko daw ipopost to at takpan ko nalang ng smiley yung face nya. At dahil nakalimutan ko at naipost ko na, wag nalang kayo maingay huh..
(edit na)
Ayan dahil sa masunurin ako, nilagyan ko na ng smiley yung face nya.. hehehe.. peace yo!

Thursday, June 17, 2010

Meat Section


Kung ang iba ang paborito nilang gawain ay mag window shopping ng mga damit, ako kakaiba. Hilig ko mamasyal sa grocery ng mga malls at doon mag window shopping ng mga pagkain.

Eto ang paborito kong part ng grocery sa Robinson's Manila. Nabubusog ang mata ko kakatingin lang jan. Andaeng meat na puwedeng pagpilian. Siguro iisipin nyo kaya ako chubby ay dahil mahilig ako sa meat. Pero sa totoo lang kapag asa bahay ako, puro vegetable ang pagkain namin. Mas gugustuhin namin kumain ng gulay at fish kesa pork and beef. Para saan itong blog ko, wala lang gusto ko lang ishare kung saan ako madalas tambay.


Tuesday, June 15, 2010

Roti Mum


Nung fourth year college ako ay pumunta ng Singapore ang dalawang sisters ko. Naiwan ako dahil busy sa thesis and graduating ako that time. Pag uwi ng dalawang kapatid ko ay nakuwento nila sa mommy namin na may pinaglihihan daw yun panganay naming kapatid. Dome bread na kapartner ng coffee pero wala pa dito sa Pinas. The way ikwento ng ate ko eh parang sobrang sarap nung tinapay. Ang hirap naman imaginin kung ano ba lasa nitong kakaibang tinapay nato. Yung pangalawang ate ko naman, ang sabi eh hindi naman daw talaga ganun kasarap. Nagkataon lang na naglilihi ate ko. Ang alam ko lang na meron eh Kopi Roti pero sa Alabang pa, anlayo! Taga Tondo kami eh.

Makalipas ang limang taon habang naglalakad ako sa Robinson's Manila Pedro Gil Wing ay nakita ko ang Roti Mum. Sobrang aromatic nung bread nila as in nakakatakam. Mapapalingon ka sa may gilid kung saan nang gagaling ang nakakatakam na amoy ng tinapay.

Pumasok kami ni payat at umorder ng isang chocolate roti and coffee roti. Ang sabi ng tita ko ang ibig sabihin daw ng roti ay bread. (nag a-ala kuya kim ako hehehe). Sabi nung inorderan namin mga 2-3 minutes daw dahil mas masarap daw ang roti kapag bagong bake. Naaliw kami sa kwentuhan ni payat hanggang sa maamoy na namin ang nakakatakam na roti. Kung mapapansin nyo ay pinapaypayan nung lalaki yung roti para maamoy ng mga dumadaan.
Eto ang itsura ng coffee roti pagkalabas sa malaking oven nila. Laging bagong bake ang mga binibigay nila sa mga customers nila.
Eto kami ni payat feelingera. Mga feeling model ng roti.
Eto naman ang chocolate roti nila parang itsurang sunog.
Si payat lang ang nasarapan sa chocolate roti. Mas gusto ko ang coffee roti. Siguro dahil coffee lover ako at si payat ay chocolate lover. ( My ganun ganun pang nalalaman. nyahahaha)

Pinasalubungan ko ang mom ko para makatikim din sya. Sabi ng mom ko pagkaabot ko ng supot: "Ano yan?". Sagot ko: "bread na dome". Sabi ng mom ko: "Ay yan yung pinaglihihan ng ate mo nung buntis sya! Sabi eh masarap yan!". Sabi ko sa mom ko:" Mom sinasawsaw daw sa coffee yan, try natin. Teka CR lang me na wiwiwi nako". Paglabas ko ng CR, hala wala na ang roti, mumu nalang ang natira, ebidensya na inubos ng mommy ko. Sabi ko sa mom ko: Hala! mom asan na yung isasawsaw natin sa kape. Sagot sakin ng mom ko: (Smile) masarap eh, hindi ko napigilan ubusin. nyahahaha!. mommy ko talaga komedyante!!