Friday, April 27, 2012

Hanimun sa Bohol Part 5 - Island Hopping

Hanimun sa Bohol Part 1 - Bohol Bee Farm
Hanimun sa Bohol Part 2 - Whites and Greens Resort
Hanimun sa Bohol Part 3 - Countryside Tour
Hanimun sa Bohol Part 4 - Dumaluan Beach
Hanimun sa Bohol Part 5 - Island Hopping

Next is Island Hopping, base sa package na inavail namin boat rental for the island hopping tour is P1,500 for 2 depende samin kung whole day or half day pero same rate.Tatlo ang pinuntahan namin: una dolphin watching; pangalawa, isang island kung saan kami magpapakain ng fish at magsnorkling; pangatlo, virgin island.

Gumising kami ng maaga para mag dolphin watching, ansabi ng tourguide sa Countryside Tour dapat by 6am pumapalaot na kami dahil 6am to 7am sila nagsisilabasan. Base sa Itinerary 7am pa ang start kaya medyo na late kami ng dating sa gitna ng dagat, mga bandang 7:30am. Marami ng naunang nag aantay sa paglitaw ng mga dolphins. Hindi namin nakuhanan ng picture kase anlalayo nila, hindi kita ng camera. Kung merong malapit lapit hindi padin kita dahil natatabunan ng ibang boat sa paligid ng boat namin. Pero infairness, naenjoy ko ang paghabol sa mga dolphins! Saglit na saglit lang kami jan, mga 20 mins lang ata, dumiretso na kami dun sa island na pagsnorklingan.

Next is dun sa island kung saan kami magsnorkling. P150 ang rent sa snorkling gear so P300 kaming dalawa plus kelangan pa namin mag rent ng small boat daw kasama na ang tourguide para gabayan kami habang nag snorkling P700. Dagdag pa, P20 para sa skyflakes, presyong ginto, pero sige na nga okay nadin.Total of P1020 iba pa yung rent para sa malaking boat. All in all P2520, sa totoo lang napamahal kami, kase hindi na kelangan ng tourguide at small boat. From boat na nirent, pwedeng languyin hanggang pampang or dun sa lugar kung saan maraming fish. Tourguide... hmmmm... hmmmm.. wala akong maalala kung ano ginawa ng tourguide.

Sa lahat ng pinag snorklingan ko, dito ako pinaka nag enjoy magpakain ng isda. Nag snorkling nako sa Anilao, Laiya, Puerto Galera, Zambales at marami pang iba pero dito pinaka maraming isda. Medyo nakakapagod din pala kapag tumagal ka ng 2 oras sa tubig, nakakagutom.

Merong mga kainan sa island, pipili ka ng isda tapos depende sayo kung ipapa-ihaw mo o kung palalagyan ng sabaw. Ang sabi nila P400 isang kilo isang isda, sure na isang kilo daw ang bigat ng isda. So malaki laking isda yun. Hindi pa kasama ang bayad sa luto, kanin and drinks. Napagkasunduan namin na sa Dumaluan nalang uli kumain and masyado pang maaga para mag lunch.

Next destination ay ang Virgin Island. May sasalubong na bilihan ng mga buko. Dahil sa uhaw bumili kami ng isa P40, sobrang refreshing. Pinakayod pa namin yun laman, hmmmm sarap! Tumambay muna kami saglit sa bilihan ng buko, ramdam na ramdam ko kase ang init ng sikat ng araw. Then, lumakad na kami papunta dun sa maliit na isla. Kung titignan sa larawan sa itaas, yung isla yung nasa likuran namin yung may mga puno.

Grabe init buti nalang may dala kong payong, dalawang pose, dalawang picture lang kinuha namin then balik na sa boat. Gusto ko kase makabalik kagad sa resort ng makapag pahinga at makabawi ng tulog. Simula kase ng inaayos yung kasal hanggang sa hanimun hindi pako nakakabawi ng tulog. Feeling ko lahat ng energy ko naibigay ko nung nagpakain ako ng isda.. hahahaha.. KJ ko ba dahil hindi ko sinulit ang island hopping? hehehe.. sinulit ko naman nung nag island hopping ako sa CORON. (gawan ko ng entry sa susunod). At jan nagtatapos ang hanimun sa Bohol.. Napagkasunduan namin ni Fluffy na babalik kami dito at hahabaan na ang oras sa Island Hopping.

Next entry ko Cebu naman.

Wednesday, April 18, 2012

Hanimun sa Bohol Part 4 - Dumaluan Beach

Hanimun sa Bohol Part 1 - Bohol Bee Farm
Hanimun sa Bohol Part 2 - Whites and Greens Resort
Hanimun sa Bohol Part 3 - Countryside Tour
Hanimun sa Bohol Part 4 - Dumaluan Beach Resort
Hanimun sa Bohol Part 5 - Island Hopping

Naikwento ko na sa mga naunang entry kung pano namin na diskubre ang Dumaluan Beach Resort. Dito kami dumadayo sa tanghali at gabi para kumain, pero ang breakfast sa White and Greens Beach Resort.

Sa unang gabi, eto ang inorder ni Fluffy: Slow Roast Pork Belly P280 Barbeque Glazed Pork Belly Roast till Fork tender served with Buttered Vegetables and Parsely Rice. Masarap at malasa ang Parsely Rice, ang Roast Pork Belly infairness masarap ang sauce. Malambot at madaling kagatin ang pork.

Naaalala ko sa Buon Giorno, umorder ako dati ng Penne All Arrabiata P294, na sobrang sarap kaya naisip ko itry ang version nila. Arrabiata Penne Pasta P190 Sauteed Smoked Bacon with Chili Flakes and Tomato Sauce Tossed in Penne Pasta Served with Garlic toast. Naenjoy namin ang unang gabi at ang food sa resto na to kaya naisip namin dito nalang kumain habang nasa Bohol.

Sa second day, nag lunch kami sa Loboc River (check my previous entry CountrySide Tour). Dinner balik Dumaluan, medyo nahihirapan mamili ng kakainin kaya naisip ni Fluffy ulitin nalang yung Slow Roast Pork Belly. Ako naman inorder ko Baby Back Ribs P380 Hickory Glazed Slow Roast Ribs served with Buttered Vegetables and Java Rice. Medyo hindi consistent ang pagpapalambot nila ng mga meat, may katigasan ang Slow Roast Pork Belly and ang Baby Back Ribs ayaw humiwalay sa buto. Tsk tsk tsk.. na-sad ako bigla. Di bale puwede pa naman bumawi kinabukasan.

Third Day, Halfday lang ginawa namin sa Island Hopping, kwento ko nalang sa next entry kung bakit. Syempre dumayo uli kami ng kain sa kabilang resort. Inorder ni Fluffy Grilled Chicken Bacolod P280 Marinated Half Chicken in Garlic and Thyme served with Garlic Cranch Dip Rice and Papaya Relish. Dahil ayoko mag experiment at mag try ng iba, parang nadala sa Baby Back Ribs.. kaya balik Arrabiata Penne Pasta nalang ako.

This time nag try kami ng dessert, Brownie Ala Mode! with fresh fruits - manggo and watermelon cuts. Paumanhin akalimutan ko ang presyo

Tamang trip lang!

Sa huling gabi isang order nalang ginawa namin. This time Mama Lou's Kare Kare P320 Slow Braised Ox Tripe and Beef in Pureed of Peanuts served with string Beans, Pechay, Banana Heart and Sweet-Spicy Bagoong. Good for 2-3 person, hindi namin naubos ni Fluffy sa dami. Lasang lasa ang peanut, yumyum sarap! Ayan parang gusto ko tuloy kumain ng kare kare :(

Kapag bumalik kami ng Bohol, malamang dito na kami magpapabook para hindi na namin dadayuhin yun resto. Naenjoy ko masyado ang live band nila lalo na laging BossaNova ang tugtog, sarap sa tenga.. malamig pakinggan.

Thursday, April 12, 2012

Sunday, April 8, 2012

Hanimun sa Bohol Part 2 - Whites and Greens Resort

Hanimun sa Bohol Part 4 - Dumaluan Beach Resort
Hanimun sa Bohol Part 5 - Island Hopping

4Days and 3Nights, 2k per night ang bayad inclusive of breakfast. Base sa email nila sakin: All rooms are airconditioned. Bungalows are separate, standalone units with its own toilet and bath. The resort restaurant offers coffee and purified water free of charge 24/7. Rooms does not have tv and hot and cold shower but we do have a beachfront location and free wi-fi connectivity. We can also arrange for tours. Van rental is P2,500 for 2 for the countryside tour excluding entrance fees and buffet lunch in Loboc floating restaurant. Boat rental for the island hopping tour is P1,500 for 2.

Mabait at accomodating sila pagdating na pagdating inasikaso agad kami. Tahimik, relaxing, maganda ang lugar at beach front, problema lang mahirap maligo. Walang hot and cold shower.. grrrrrr lamiiiiig!

After nga pala mailapag ang gamit, tumakbo kagad ako sa isa sa mga kubong nasa harap ng cabana para mag picture picture kagad.. excited much lang.. hahaha iniwan ko si fluffy sa kwarto habang nag aayos..

Oh ayan pagbukas na pagbukas ng pinto, tahimik at magandang paligid ang babati sayo. At dahil sa malapit sya sa dagat, hindi kagandahan ang lasa ng tubig sa banyo. Ang hirap magtoothbrush promise! Parang isang kilong asin ang nilagay sa tubig na minumumog ko. Hirap tuloy bumula yun toothpaste. Ang sabi ng mga nabasa ko lahat ng resort sa Panglao hindi maganda ang lasa ng tubig sa banyo. Alam ko namang not for drinking, natural hindi ko maatim na lunukin ang napakaalat na tubig baka madedz ako. Ayoko noh kaka-kasal ko palang kelangang maenjoy ang honeymoon.

Nagdala ako ng bimpo pang hilod sa pagligo, napudpod na ang sabon hindi parin bumubula. Ni dulas ayaw magparamdam, napakadamot lang ng bula. Di bale sure naman tanggal ang mga hindi kanais nais sa balat tulad ng mikrobyo, dedz sila sa alat ng tubig.

Kuha to ng umaga, sobrang low tide, kung mapapansin nyo maraming sea weeds at sea grass na nakakalat sa buhangin. Imagine magsisimulang magwalis ang mga tauhan ng White and Greens Resort ng 6Am matatapos sila ng 9AM hindi pa kasama dun ang pagdampot ng winalis nila. Ganun katagal linisin ang buhangin.

Eto na ang itsura after nila walisin at hakutin lahat ng sea grass at sea weeds, pino na uli ang buhangin. Tuwang tuwa si Fluffy sa buhangin, sobrang puti, sobrang pino na parang gatas. Pati ako natuwa sa buhangin sarap mag baon pauwi ng Manila pero xmpre bawal!

Wala akong mashe-share about sa pagkain dito sa resort kase napadpad kami sa kabilang resort para kumain ng dinner. Ganito kase yun, sabi ni Fluffy masyado pang maaga para mag dinner and hindi namin alam kung ano oorderin namin sa resort. Naglakad kami ng naglakad hanggang sa nakakita kami ng maraming ilaw at my live band. Dun namin na diskubre ang Dumaluan Resort at dun ko na naalala na nabasa ko nga pala sya sa blog ni Chyng.

Walang araw na nagpakita habang lumulubog sa dagat, yan ang sunset sa Bohol. Maganda parin dahil kalmado ang dagat, relaxing, tahimik ang paligid.

Next entry ko ang City Tour...

Wednesday, April 4, 2012

Hanimun sa Bohol Part 1 - Bohol Bee Farm

Hanimun sa Bohol Part 1 - Bohol Bee Farm
Hanimun sa Bohol Part 2 - Whites and Greens Resort
Hanimun sa Bohol Part 3 - Countryside Tour
Hanimun sa Bohol Part 4 - Dumaluan Beach Resort
Hanimun sa Bohol Part 5 - Island Hopping

Paumanhin sa mga readers natagalan akong gumawa ng bagong post. Isang buwan din naging dedz tong blog ko. Bago kong entry ay ang honeymoon namin sa Bohol last November. (Hahaha pasensya na, anong petsa na ngayon ko palang ito mapopost ampf!).

First time naming sasakay sa AirPhilExpress, medyo hindi kagandahan ang experience dahil hindi nag land ng maayos ang eroplano. Yes, tama po ang inyong nababasa, hindi smooth ang landing ni AirPhilExpress, tumalbog ang eroplano. Feeling ko nga nabali yun leeg ko sa sobrang lakas ng talbog. Heniwei, baka pangit lang ang gising or inaantok ang piloto at kulang sa tulog. Charrr!

Nagpareserve kami ng accomodation sa Whites and Greens Resort (next entry ko po ito). 4Days and 3Nights kami at sila nadin ang nag ayos ng Itinerary namin pati yun hatid at sundo sa airport. Pagod na kase ako sa pag aayos at pagpaplano sa kasal kaya yun sa honeymoon sila na bahala.

By the way, kaya nga pala ako naka thumbs up jan sa picture kase kung kelan ako kinasal at kung kelan na ko magpapalit ng apelyido tsaka pa may nakatama ng ispeling ng pangalan ko. Simula bata hanggang pagtanda lagi nalang pinapaayos at pinapacorrect yun ispeling ng surname ko. Oha diba! Sya nga pala yung sundo at tourguide namin.

Hindi included sa Itinerary ang Bohol Bee Farm, pero dahil sa sikat sya nakisuyo ako dun kay manong tourguide na baka puwedeng idaan kami para makapag lunch. (paumanhin sa sobrang tagal na nitong Bohol trip hindi ko na maalala pangalan mo kuya, paumanhin talaga).

Walang masyadong tao sa Bohol Bee Farm, tatlong table lang ang occupied at isa nadun ang table namin ni Fluffy. Medyo umaambon ambon kaya hindi ako makaupo ng maayos sa duyan dahil basa yun tela. Ang weird lang ng smile ko parang batang tuwang tuwa sa duyan.

Bago dumating yun order namin, hinatid sa table namin ang complimentary bread. Infairness, mainit init pa ang bread. May kasamang pesto and mango spread. Nagustuhan ko yung pesto, si Fluffy naman nagustuhan yun mango. Sa totoo lang bumili kami ng maliit na bottle ng pesto and mango spread kase wala nyan sa Maynila. Pero nung nasa Manila na, nakakasawa pala sya. Until now asa ref namin yun maliit na bote ng pesto spread hindi pa ata nangangalahati.

Drinks namin Mango Banana Shake at Mango Banana Peanut Shake. Sakin yun may Peanut kase naweirduhan si Fluffy sa idea na may peanut ang shake.

Umorder kami ng Spare Ribs served with organic red rice and organic salad. Syempre nagresearch nako kung ano madalas orderin ng mga blogger na nakapunta na sa Bohol. Inshort nakikigaya ako ng order. Ayoko ng manghula kung ano masarap baka madisappoint lang ako noh.

First time naming nakakain ng bulaklak, medyo my bitter taste sa dulo pero tolerable naman kase nilalabanan ng honeybutter dressing yun pakla.

Inorder ko yung Seafood Pizza nila na medyo may katagalan. Mga 30 mins o higit pa ang inantay bago makarating sa table namin. Nagmamadali na si manong tourguide dahil hinahanap na daw kami ng resort na pinagpareserbahan namin, kala siguro kung ano na nangyari dahil late na kami sa usapang time ng pagdating namin sa resort nila. So isang slice lang ata ang nakain ko nito at tinake out nalang namin. Hmmpf! Nabitin ako sa pagkain..

Sayang at hindi namin nasulit yun place. Hindi kami nakagala dahil sa kakapiranggot na oras. Takas lang naman kase ang pagpunta namin dun dahil hindi nga kasama sa itinerary namin. Di bale may next time pa naman, nagpaplano kaming bumalik ni Fluffy sa Bohol.

Pahabol, yun bill ng inorder namin was almost isang libo. Hindi ko na kase makita yun resibo pero tandang tanda ko pa mga below 100 yun sukli namin sa isang libo.

Next entry ko: White and Greens Resort.