Sunday, December 27, 2009

French Baker




Nung college ako, madalas akong dumayo sa San Andres Bukid para lang bumili ng palabok na nilalagyan ng hot sauce. Taga Tondo ako pero nagtya-tyaga akong bumyahe papunta dun para sa paborito kong spicy palabok. Weird ba? Ganun ako kasipag at katyaga basta usapang pagkain.

Bicolana ako at mahilig ako sa maanghang na pagkain. Sa totoo lang, ang nanay ko ang pinanganak sa Bicol at ako ay sa Tondo pinanganak pero mas Bicolana ako sa kanya.

Kapag oorder kami ni payat ng pasta, minsan nilalagyan ko ng paminta oh kaya ay tabasco para ganahan ako kumain. Kung ang iba ay humihiyaw na sa hapdi ng dila or nagwawala na habang umiinom ng tubig sa sobrang anghang ng kinakain nila, kami hindi. Ako at si payat kaya naming ubusin ang maanghang na pagkain na walang inuman ng tubig. Iinom nalang kami kapag naubos na namin ang kinakain namin. Did i mention na si payat ay Bicolana din? Now you know kung bakit matakaw kami parehas sa spicy food.

My nag suggest samin na itry namin ang Spicy Seafood Pasta ng French Baker. Hinding hindi daw namin makakalimutan ang lasa dahil pagpapawisan daw kami sa sobrang hot ng pasta. Sige nga at ma try ang pinagmamalaking pasta, hmmmmm...

Pasta in red pepper-infused tomato sauce, topped with calamari, fish, shrimp, and mussels, served with your choice of grilled foccacia or garlic toast. Choose your pasta: spaghetti, white fettuccini, or green fettuccini.


Ang pinili naming pasta ay white fettuccini. Unang tumikim si payat, pagkasubong pagkasubo nya ng pasta dali dali akong nagtanong: "Ano maanghang ba payat?" Hindi nakapag salita kagad si payat at tinignan lang ako. Syempre nacurious ako at inagaw ko ang tinidor kay payat. Pagkasubo ko ng pasta.. Uhmm Uhmmm GRAVECIOUS ANG SARAP UMUUSOK ANG AKING TENGA.. THE BEST!! Eto na ang paborito kong Seafood pasta, number 2 nalang ang Seafood Medley ng Chef de Angelo.

Umorder din kami ng Chocolate Shake na may chocolate ice cream on top. Tamang tama sa pagtanggal ng hapdi ng dila at umuusok na tenga namin ni payat.


Sa mga mahihilig sa spicy food, i recommend na i-try nyo ang Spicy Seafood Pasta. At try nyo din ang spicy palabok sa San Andres Bukid, nakakaaddik sya!!.. yum yum..




1 comment: