Anjo.Manjo.Ko ang name ng pet ko
Zynga ang famous developer ng mga nakakaaddik na games sa Facebook. Ang success nila ay ang pag develop ng games na kinuha ang idea sa ibang games application. At mas pagagandahin nila para matalbugan ang naunang nag launched ng game. Ang Sikat na games ng Zynga ay Mafia, Farmville, Fishville, Yoville and Cafeworld.
Sikat na sikat ang FarmTown dahil sa pagtatanim. Pero nung lumabas na ang mas magandang Farmville, tila parang nakalimutan na ng mga FB user ang FarmTown.
Naaddik ako sa Restaurant City. Nakakaaliw kase ang pagdedesign ng restaurant at nakakaaliw din panoorin kapag maraming tao ang pumapasok at kumakain dito. Pero naglabas sila ng Cafe world para ipangtapat dito. Nakalimutan ko na ang Restaurant City ko at huminto nalang sya sa level 27. Ang CafeWorld ko eh level 57 na.
Ang Fishville naman ang pinang tapat nila sa Happy Aquarium at Fish World.
Last week, December 3, 2009 ay nag launched sila ng bagong game, ang Petville. Eto ang ipang tatapat nila sa sikat na sikat at nakakabaliw na PetSociety.
Petville ay katulad ng PetSociety na magaalaga ka ng isang pet. Ikaw bilang pet owner ay dapat mapanatili mong malinis, masaya, at busog ang alaga para magkaron ng points or maglevel up. Kelangan bumisita sa mga friends para maglinis ng kanilang bahay at makipagsayaw para magkaron din ng points. Panigurado isa na naman to sa magiging successful na application ng Zynga at kababaliwan ng mga FB user.
No comments:
Post a Comment