Favorite kong manok ay yung buttered chicken ng Aroma (sa Tondo lang ata meron nito) dahil malalasahan mo talaga yung malinamnam na flavor nya. At ang thigh part chicken ng KFC dahil sobrang ma-juice and yummy. Hindi ako mahilig sa Grilled chiken dahil ayoko ng sunog ang balat and ayoko ng dry. My malaking branch ng Mang Inasal sa Makati Ave kaya nacurious ako kung ano meron sa grilled chicken nila.
Nacurious ako kung ano ang laman nung bote sa gitna. Sa Yellow Cab meron silang chili oil na makikita mo ang dinurog na pepper pero sa Mang Inasal ay oil lang talaga. Kinuha ko ang spoon, pinatakan ko ng oil at sabay tikim. Ngek bakit ganun, lasang mantika lang at hindi maanghang. Tinawag ko ang waiter para tanungin kung ano un bote sa gitna, ang sabi nya chicken oil daw. Hmmm.., ano kaya purpose ng chicken oil? Siguro para hindi ma dry yung grilled chicken nila. Malalaman ko to sa susunod kung ano purpose ng chicken oil.
Naks naman paborito kong number.. 28. Sabi kase eto daw ang maswerteng number parang seiko wallet ang number na mswerte.
Ayan at hinatid na ang inorder namin. Hmmmm nakakatakam ang amoy ng chicken. May kalakihan ang chicken at ang sabi ay unlimited rice daw. Hiniwa ko ang chicken, hmmm.. infairness ma-juice at malasa. Hindi sunog ang balat at hindi nakadikit ang laman sa buto. Hindi naman ako gutom nung araw na yun pero naka isa't kalahati akong kanin. (kaya ako nananaba eh armpf..)
Eto ang inorder ni payat. Sa maniwala kayo't sa hindi, maliit lang ang barbeque pero naka tatlong rice si payat.. hahahaha.. antakaw mo pero bakit hindi ka tumataba.
No comments:
Post a Comment