Tuesday, December 1, 2009
Piadina
Madalas namin makita ang Piadina sa gilid ng escalator sa Robinson's Manila Midtown wing. Dinadaan daanan lang namin ni payat dahil napakaliit ng puwesto at walang masyadong kumakain. Minsan wala talaga silang customer.
Makikipag kita ang dalawang ka skulmate ko Icam at ang napili nilang kakainan namin ay sa Piadina. Nagtataka kami ni payat bakit doon gusto makipag kita ni libra at ni scorpio. Iniisip namin ni payat na baka hindi masarap at masyadong mahal ang pagkain doon. Baka hindi sulit at masayang lang ang pera namin, nakakapang hinayang.
Inorder namin ni payat ang Pasta Scampi with Fresh Shrimps in Light Tomato Sauce sa halagang php 240.00 dahil mahilig si payat sa hipon at Pizette Set Mini Round Pizza with baked zitti sa halagang php 130.00
Nagustuhan ko yung piadina bread nila bagay na bagay sa pasta. Masarap naman ang food sa Piadina. Nakakapag taka lang ay walang masyadong bumibisita at pumapansin sa kanila. Kaya akala namin ay hindi masarap ang pagkain nila. Dahil ba ito sa presentation ng food? Dahil ba sa mga waiter at waitress? Dahil ba mahal ang price ng pagkain? Or Mukhang hindi masarap ang pagkain sa menu? Oh baka sa branch lng ng Robinson iniisnob ang Piadina at sa ibang mall mabenta naman sila? O baka kaparehas namin ng iniisip? hehehe.. hindi ko din alam ang sagot.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment