Wednesday, December 2, 2009

Uncle Cheffy




Balik night shift ako simula November 23 hanggang 27. 8pm to 6am ang schedule ko, actually 9pm pa talaga ang start ng trabaho, excited lang ako pumasok ng mas maaga. Thanks Giving day sa America, its a Black Friday. Super sale lahat ng gadget at ibang bilihin sa kanila sa araw na ito. Dito sa Pilipinas, hindi naman nagce-celebrate nito. Pero sa Trend Micro, nakasanayan na naming mga empleyado na laging my occasion at pakain dito.

5:30pm gumising ako sa bahay at umalis ng 6:30pm. Nakadating ako ng 7:50pm, hindi traffic sa Recto pero natraffic ako dito sa Eastwood na mismo dahil concert ng Side A ng 7pm.
Buti nalang at walang masyadong trabaho at hindi nakakatoxic ang araw nato. Sabi ng boss ko na, pwede kaming maghalfday kung gugustuhin namin dahil my pasok pa kami ng 2pm ng hapon. 3am ang halfday ko pero mas ginusto kong magstay nalang dito sa opis dahil sayang din ang sweldo at double pay itech. 7am ng umaga andito pa ko sa office at nakikipag kwentuhan sa mga ka opismates ko at parang wala nakong planong umuwi pa at matulog. Binati ako na umuwi muna at makapagpahinga dahil simula 2pm until 11pm ang pasok pa nmin ng araw na yun.

7:30am umalis na ko sa opis at dumaan muna sa Tayuman para bumili ng special bibingka. Bumili ako ng 6pcs para ipamigay sa mga Tito, Tita ko sa bahay at sabay bati ng Happy Thanks Giving day.

11am naligo na ko para makapag prepare na dahil inaanticipate ko ang traffic dahil sabado, araw ng bilihan ng mga regalo sa mall at lalo na sa Divisoria. Buti nalang umalis ako ng maaga, tama ang aking hinala traffic sa Tayuman dahil sa SM San Lazaro at Lope De Vega palang hindi na umaandar ang jeep dahil naman sa traffic sa Recto papuntang Divisoria. Usapan namin ni Dragon, before 1pm magkikita na kami para sa free shirt at nakadating ako quarter to 2pm. 2pm hanggang 6pm ay seminar namin.

Uncle Cheffy


7:30pm late na kami nakadating sa Uncle Cheffy dahil sinundo pa namin si romantiko sa Pasig. Medyo kakaunti nalang ang pagkain at buti nalang ay nakahabol pa kami. Last year meron kaming malaking turkey sa pantry kaya yun ang unang una kong hinanap sa buffet pero sadness, wala this year. Kumuha ako ng spareribs na sobrang malasa ng meat. Salad na ang sangkap ay lechong kawali at potato. Salmon na sobrang malinamnam at pasta. Masarap mga foods nila sayang nga lang at diet ako kaya hindi nako naka round 2. Unlimited ang drinks from 7pm to 11pm, San Mig Light beer and cocktail drinks. Umorder ako ng Margarita, Tequilla at ScrewDriver. Nakatatlong baso ako ng ScrewDriver kahit wala pakong tulog. 9pm na at 28 hours nakong gising at kaya ko pa maglakwatsa.

3 drinks


Plate ko


Salad


Spareribs


10:30pm naisipan na naming umuwi dahil pagod sa buong araw at wala pa kaming mga tulog. Niyaya ako ni Dragon pumunta sa Transcomm para dalawin si makatang Bulakenya. Naisip ko matagal ko ng hindi nakikita si makatang Bulakenya at kaya ko pa naman kahit nakainong ng konti, sige sumama ako. Tumambay muna kami sa Starbucks sa Tiendesitas at naglitanya ng naglitanya si babaeng Manny Pacquiao. Napagod ata ako kakatawa sa mga litanyang binitawan nya.

2:30am nahirapan kaming sumakay ng taxi dahil ayaw nila maghatid sa Tondo. Bakit hanggang ngyon kinatatakutan nila ang Tondo eh kung tutuusin ay napaka tahimik na ng lugar namin. After ng makailang para ng taxi, sa wakas my pumayag, yun nga lang humihingi ng additional 30php at ang metro ko daw ay panigurado lagpas 200php. Sbi ko sa driver kabisado ko ang metro ko dahil madalas ako nagtataxi (kahit hindi naman nag softskills lang ako). Ang sabi ko sa kanya 150php lang ang metro ko dahil 3 years nako bumabyahe ng madaling araw. Makulit si taxi driver at sinabi padin nyang mahigit 200php ang babayaran ko. Titig na titig ako sa metro nya, tignan ko lang kung hindi sya mapahiya.

3:15am nakadating kami sa Gagalangin and guess what, ang metro ko ay 152php lang. Nagulat ang taxi driver dahil kabisado ko ang metro pero dahil sa makapal ang mukha nya 190php ang kinuha nya samin. Ang tawag sa ginawa nya ay garapal na manggagancho para kaming naholdup ng 40php, pamasahe ko din ng isang araw yun.

Naabutan ko pa ang Pinoy Big Brother ng madaling araw at tinapos ko muna mag exhibition si baby dengue at pumunta nako sa kwarto ko ng 4am. 35 hours akong gising simula Friday hanggang Sunday. Kaya nyo yun?

No comments:

Post a Comment