Tuesday, December 8, 2009

Pizzeria



Dec 1, 2009

Nagkita kami ni payat sa paborito naming mall para maghanap ng makakainan. Ayun, my bagong pizza parlor sa gilid, ang Joey Pepperoni Pizzeria na may promo buy one take one daw. Paglapit namin, my isa pa silang promo, ang eat all you can na pasta. Dahil sa ang kine-crave namin ay pizza, next time namin ita-try ang pasta nila.

Kumaway si payat sa waitress, yung manager na lalaki ang kumaway pabalik samin para sumenyas na sandali lang. Bakit isa lang ang waitress nila.. asan ang iba? 12 ang tables nila at 8 tables occupied ng customers.. Hmmm.. makakaya ba ng isang waitress yun tpos eat all you can pa sila?

Ayun, sumulpot ang isa pang waitress nila galing sa labas at kinuha ang order namin.

The Works:
Smoked ham, Pepperoni, Bacon, Salami, Beef toppings, onions, bell peppers and olives.

Pizza Messicana:
Beef toppings, Bacon, Cheddar Cheese, mushroom, Mexican Seasoning.

Umorder kami ng Apple and Pearl pero hindi available kaya nag bottomless iced tea nalang kami.

Nakakatuwa merong papel na nakapatong sa table namin na my word finder at facts about Joey Pepperoni. Habang nag aantay ng order namin ay sinagutan muna ni payat ito. Medyo may katagalan ng order namin, kaya siguro may word finder sa lamesa.


Unang dumating ang Pizza Messicana, sobrang thin ng crust and sobrang crunchy. Malalasahan ang Mexican seasoning. Hindi na namin ginamit yun fork and knife para hiwain yung pizza, mas masarap kumain ng naka kamay.



Sumunod ang The Works na parang hindi niluto. Sobrang maarina pa yung crust na parang sinerve samin ng katatapos lang ilagay ang toppings na parang hindi man lang dumapo sa loob ng oven.


Umorder ng onion ring yung katapat na table namin at parang natakam ako. Tinawag ni payat ang manager kase hindi na naman namin makita yung mga waitress nila. Sabi ni payat kay manager, "Ser pa add ng order, oorder kami ng onion ring." Ang sabi ni ser manager, "Ma'am wala po kayong inorder na onion ring". Nagkatinginan kami ni payat baka hindi lang sya narinig ng mabuti kaya inulit nya. Ang sabi uli ni ser manager, "Ma'am 30 minutes pa po bago maluto". Sabi ko, "Ang tagal naman nun, bakit 30 minutes maluto ang sibuyas?". Sagot ni ser manager, "Ma'am ganun po talaga". Sabi ko, "Sige na nga, order padin kami" at nagbiro ako kay payat na isulat nya sa papel na 30 minutes pa darating ang order naming onion ring.


Narinig pala ni ser manager ang biro ko at bigla syang nataranta. Biglang sumulpot ang waitress nila na kanina pa nawawala. Parang guwardya sibil na nakatayo sa tabi ng lamesa namin na tipong nag spy samin kung ano ang sinulat ni payat sa papel na nakapatong sa lamesa namin. Ang sabi ni payat, "hala ka, natakot ata sila". Tinignan ko ang waitress at tumingin din sya sakin na pilit padin sinisilip ang sinulat ni payat sa papel. Sabi ni payat na sadyang ipinarinig nya sa waitress, "itago mo na nga yang papel para umalis na yan sa tabi mo". At hindi padin sya natinag sa gilid ng lamesa, para na syang istatwa sa tabi ko na hindi man lang makuhang mailang dahil tinititigan namin sya.

Less than 10 minutes bumalik ang manager na dala dala ang onion ring. Sabay tanong kung meron pa kaming oorderin, kung gusto pa namin ng refill, my kailangan pa ba kami at kung ano ano pa. Biglang nag iba ang treatment samin ng manager at andun padin si waitress na istatwa na ata sa tabi ko. Sagot namin, "ser wala napo kaming order".

Masarap ang onion rings nila, crunchy and manamis namis ang sibuyas na binagayan ng cheese na dip.

Etong kuwento ko ay hindi para siraan ang naturang pizza parlor, eto ay experience po lamang namin. Hindi ko naman alam na ganun ang magiging reaction nila sa biro ko na isulat ang 30 minutes. hehehe.. sorry my bad.. Kahit naman hindi isulat ni payat yun, matatandaan ko naman eh. Peace tayo kapatid na waitress.. hihihi.. :D

No comments:

Post a Comment