Friday, June 18, 2010

Chicken Ceasar Salad




Kahapon bago kami umuwi ay naisipan naming kumain muna sa Gateway. Dahil sa diet kunwari ako ay inorder ko ang Chicken Ceasar Salad ng Wendys. Namali ako ng order dahil ang paborito ko nga pala sa Wendys ay ang Taco Supremo Salad. Pero okay lang nabayaran ko na hehehe. First time ko ba mag blog ng gulay? Para maiba naman dahil vegetarian talaga ako (nyahahaha).


Gustong gusto ko yung durog na bacon sa ibabaw ng salad kase binabalance nya yung lasa. Jan sa picture wala pa yung dressings kaya parang dry. Naisip ko nga sa sweldo bumili ako ng vegi na pang salad at dressings para sa bahay nalang ako gumawa dahil mahal kung lagi akong bibili sa Wendys diba.


At bago kami umuwi ng tuluyan ay naglaro muna ang dalawang kasama ko. Nagkarerahan sila ng kotse sa Time Zone. Sabi ni *** wag ko daw ipopost to at takpan ko nalang ng smiley yung face nya. At dahil nakalimutan ko at naipost ko na, wag nalang kayo maingay huh..
(edit na)
Ayan dahil sa masunurin ako, nilagyan ko na ng smiley yung face nya.. hehehe.. peace yo!

3 comments:

  1. "At bago kami umuwi ng tuluyan ay naglaro muna ang dalawang kasama ko. "

    :D

    ang galing mo kaya sumayaw :D nainggit lang kami kaya pinagbigyan ko si merck na mag car race. parang bata lang :D di bagay sa kin :)

    pero bagay na bagay sayo geps sumasayaw :)

    ReplyDelete
  2. ahahahaha. may smiley ang pic ni ..........! ehehehehehe

    ReplyDelete