Picture above (Yellow CallaLily) was taken by
Lightshapers Dave Astom.
Sa unang sulyap palang sa bouquet ko malamang sa malamang alam nyo na kung ano motif ng kasal ko, "YELLOW".
Naghahanap ako ng flower na babagay sa motif ko, hindi lang pala kulay ng flower ang mahalaga kundi mismong bulaklak ay may meaning din kaya ingat ingat sa pagpili ng bulaklak na gagamitin sa kasal.
Yellow Rose - signifies strong feelings of pure joy and new beginnings. Babagay sana sakin to yun nga lang hindi ako mahilig sa rose kase madali syang mabugbog or malanta. Baka asa kalagitnaan palang ng kasal my mga itim itim na un petals ng bouquet ko kase nalamog na.
Yellow Tulip - hopeless love. Hindi ako hopeless sa love and ayoko din ng tulip madalas kong makita sa kasal nakasarado pa yun bulaklak kinabukasan pa makikita yun flower naka open kapag nahanginan or nalamigan. And ayoko makipag laro sa tulip dahil nature nila magclose open..close open. Base on scientific explanation, nagco-close open ang tulip depende sa paligid nito. Nagrereact sila sa lights and heat, kaya kadalasan naka close ang tulips kapag natatamaan ng ilaw at mainit ang paligid. Kaya kadalasan sa kasal sarado ang bulaklak na tulip dahil mainit sa simbahan at laging natatamaan ng lights.
Yellow Carnation - it symbolize rejection or disdain. Ouch! Ayoko nyan!
Yellow Calla Lily - They are the traditional symbols of marriage. Symbolizes brilliance of truth and holiness. Calla lilies are also a symbol of elegance and sophistication. They are chosen at weddings as they might bring up the same qualities in the newly weds of faith and devotion. Eto.. Eto ang gusto ko na tutugma sa motif ko at tutugma sa kasal.
All photos below was taken by my brother Abel Gonzalez
Aksidenteng nakita ko ang website ng GoForFlowers habang naghahanap ng Yellow Calla Lily. Sakto meron na silang na service-an na wedding na same flower din ang bouquet. Ayoko sanang maging copy cat pero yun yun eh, ang hirap idescribe pero parang nasabi ko sa sarili ko eto ang para sakin eto ang babagay sa wedding gown ko, as in parang love at first sight talaga dun sa bouquet na nakita ko sa site nila. Sakto my bridal fair sa PICC and andun sila, so hindi nako magpapakahirap hagilapin ang office nila sa Dangwa kahit 15 mins away lang yun sa bahay namin. Nagparegister kagad ako at binanggit ko to kay Fluffy, eh si Fluffy naman OO lang ng OO sakin yun kaya wala akong naging problema sa preparations.
Hinanap namin ang si Ms Maybelle at sakto andun sya sa booth. Merong mga client na nakapila kaya nag antay pa kami. Okay lang mag antay kase ibig sabihin maganda ang service nila dahil may mga nagkapila at nag aantay din magpareserve. Nang turn na namin, dinescribe ko lang sa kanya kung ano gusto ko, alam na nya kagad, ang galing! Alam nya kagad kung ano gusto ng clients at kung ano ang pangangailangan. Madaling kausap, yun ang importante at hindi ako nagkamaling ipagkatiwala sa kanya ang mga flowers ng mga abay at bouquet ko. Sya lang talaga pinunta namin sa Bridal Fair kaya hindi na kami ng libot masyado ni Fluffy.
Eto ang freebies na nakuha namin:
10% Discount
Tossing Bouquet / Throwing Bouquet
Groom Boutonniere
Loose petals
Offertory Flowers
P100 - boutonniere, P500 ang flowers ng mga abay, P250 ang sa mga ninang at P5,000 sa flower bouqet ko. I know! ang mga reactioness ng mga readers bakit ang expensive ng Calla Lily, syempre manggagaling ito sa Poland. Sabi nga nila "you get what you pay for" so talagang ginastusan ko ang mga bulaklak ng aking entourage dahil yan ang maaalala ng mga bata. Si hubby ng makita nya ang contract natulala! As in TULALA sa presyo, pasensya na hubby medyo magastos ako pero sabi nga din nila isang beses kalang ikakasal kaya gastusan mo na at para hindi ka na ma-link sa iba dahil ang mahal ng kasal mo sakin hahahaha.. Isang oras or higit pa dahil nasa LRT 1 na kami ng mahimasmasan si Fluffy.
Yung asa left side yun yung throwing bouquet ko pero syempre hindi ko yan binato, sa ganda ba naman nyan natural manghihinayang ka noh! Inabot ko yan dun sa natalo sa games namin. Obvious sa picture na sobrang happy kami ni Fluffy. Boutonniere nya Calla Lily din.
Yan ang mga abay ko, tuwang tuwa sila sa flowers nila, ang ganda ng mga feedback ng mga bata. Malamang hanggang sa pagdadalaga nyang mga yan maaalala nila ang flowers na dala nila nung umabay sila sa kasal ko.
Eto yung sa mom ko, sayang hindi na naiuwi dahil nalingat lang sya saglit nawala sa harapan nya yung flower. Hinayaan nalang nya, we take it positively meaning sobrang bongacious ng flower at nagandahan yung kumuha.
By the way kumuha din pala ako ng 100 pieces na butterfly. Medyo naging challenge samin ang makahanap ng murang butterfly dahil ang price nya is P50. Buti nalang binigay samin ni Ms Maybelle ng P35 ang isang butterfly. Napagkasunduan namin na wag ilagay sa envelope kase madaling ma deads ang insect na yan lalo na kapag naipit. Binigyan nya kami ng another freebies na 4 box para makahinga ng maluwag ang mga butterfly.
Actually ang nagpamahal sa package na kinuha ko ay ang pagpapa-preserved ng bouquet ko. Ang mahal ng Calla Lily ko tapos itatapon ko lang kapag nabulok, NO WAY! sila din kinuha ko para isang supplier nalang, after ng reception kinuha nila yun flower bouquet ko then after 3 months puwede ko na makuha at naka frame na sya. Will update you mga readers once nakuha ko na ang preserved na flower bouquet ko.
Sa mga readers ko, i recommend
GoForFlowers look for Ms Maybelle 09175197683 / 09189379115. 1427 Dos Castillas Street, Sta Cruz, Manila