Tuesday, December 29, 2009

B-Boy Petville



Yun alaga ng kuya ko sa Petville naglayas.. hahaha lakwatsera din.. nahawa na ata sakin.. Yun alaga kong si Anjo.Manjo.Ko naglayas din dahil hindi ko napakain.. Nagtampo..

(tinakpan ko yung last name hihihi baka isearch kami sa Facebook.. hahaha)

Chika muna!

Talor Swift and Taylor Lautner Split na!!



Dahil ba ito sa age gap? Matanda si Taylor Swift (20) ng 3 yrs kay Taylor Lautner (17).
Ayon sa nasagap kong chismax, Lautner like Swift more than she liked him. Kawawang wolf guy ang hot mo pa naman tapos iniwan ka lang ni Taylor Swift. Siguro hindi pa sya nakaka get over kay Joe Jonas. Naku huh, mas di hamak na gwapo and hunk si Lautner noh.

Taylor Swift pahiram muna ng song mo at kakantahan ko si Taylor Lautner
Para syo to wolf guy.. mwah

she wears short skirts, I wear t-shirts
She's cheer captain and I'm on the bleachers
Dreaming bout the day when you wake up and find
That what you're lookin for has been here the whole time

If you could see that I'm the one who understands you
Been here all along so why can't you see?
You belong with me

MYSPACE HIT COUNTER

Monday, December 28, 2009

LIBRA



Natuwa naman ako dito kase totoo yung iba. Nabasa ko to sa blog ni evilwoobie. Share ko lang.. pero para ito sa mga Libra.. visit nyo nalang yung site nya para sa ibang zodiac sign.

Source: http://www.evilwoobie.com/astrology-sensing/girl-sensing-libra/

Libra Girl (September 24 – October 23) The Witty Witch

She can dish out remarks that everyone eats up. Her comments are valued as they provide several sides to an issue. Her conversation is as priceless as her smile. She can definitely get any conversation going with a guy, and her intelligence makes even the most chauvinistic of the males feel spellbound. This girl is incredibly supportive of her boyfriend, and will point out mistakes and loopholes gently? in a way that the guy will think ?why didn't I think of that?? and not get offended. (ay naku truelalooo.. shunga lang hindi marunong maka appreciate nyan!)

Punctuality is not her strongest point, but her smile and very reasonable excuse will make your impatience dissipate into thin air? those, and her impeccable choice of date-clothes and accessories that you notice at once when she arrives. (hahaha.. hindi ako marunong ma-late, magagalit si mommy)

Woobie?s Quick Tip: This girl likes to take a nap. Most Librans need naps as other people may need snacks in the afternoon. So if she says, ?I hope you don’t mind if I take a short nap?, she probably means it. The worst thing you can do is deprive her of this nap by being naughty. That?s the fastest way to get her cranky. (sobrang antukin ako lalo na kapag traffic sarap maidlip)



Eto ay para kay KhantoTantra na Libra Boy

Libra Guy (September 24 – October 23) Princely Procrastinator

This is the most charming of all the male signs. He will get you comfortable fast with his soft-sounding voice and melodious laughter. He will usually have dimples, whether on the face or elsewhere. He will be very friendly, but too much familiarity turns him off. He has numerous acquaintances and few close friends, but if he throws a party, everyone is invited, even the most distant friends of friends of friends. He prefers to think about a decision long and hard before he has to make it.

Is a Libra Guy your soulmate? Read on.

He will consider scenarios upon scenarios in his mind, up to a point that he will refuse to make a concrete stand because he can’t go one way and discard the other points to consider. Like the female counterpart, he is capable of conversation that brings new ideas to the table.

His powers of concentration are immeasurable, but be wary that the harder he worked, the longer he needs to sleep afterwards. Sleep and rest is sacred to this sign and he often pretends to be asleep or resting just so you wouldn’t disturb him. For all his appreciation of constant contact with friends and family, this guy will turn off his cellphone or take the landline off the hook while he rests.

This is what I call his “alone mood“, the time when he is acutely aware of his surroundings and will rather lie quietly or submerge himself in a book for a long time rather than deal with the real world.

Besides these occasional bouts of anti-social behavior, he is the most entertaining talker who will argue his point endlessly but still keep you spellbound by his voice and his smile. He also likes arguments for the sake of arguments. He doesn’t care which side he is on, as long as the argument continues to entertain him. Expect him to change sides in a blink of an eye if he perceives that one side is winning over the other.

In Love: Don’t expect this guy to understand your contradicting behaviour.

One example is when he asks if you’re ok, and you reply ?I’m ok?. He will take it that you really are OK, but will be slightly confused as to why you?re still frowning or still don?t want to eat. He will not spend his mental energy figuring out the reasons behind the reasons why you?re in a bad mood. He will ask you for an explanation only once, and then he will move on.

Woobie?s Quick Tip: My experience with Librans taught me not to expect him to run after me when it was I who declared that the relationship is over. He will be able to forget a girl insultingly fast. If you bring him in a place where he has to make endless choices before he places his order (i.e. Starbucks), restrain him when he feels like throttling the barista. Better yet, decide what you’re getting then you tell him what’s the best product to try.

Spare your Libra soulmate the agony of making choice after choice after choice. Also, if the courtship has gone on long enough, the girl should be the one to make the final stand for the relationship already, or else it will never happen.



MYSPACE HIT COUNTER

Selecta Pistachio and cashew


Sobrang Creamy..




Mang-iinggit lang ako.. gusto nyo?? mmhhmmm mmhhhmm.. Gravecious.. I LOVE PISTACHIO ICE CREAM..


Sunday, December 27, 2009

Mang Inasal


Favorite kong manok ay yung buttered chicken ng Aroma (sa Tondo lang ata meron nito) dahil malalasahan mo talaga yung malinamnam na flavor nya. At ang thigh part chicken ng KFC dahil sobrang ma-juice and yummy. Hindi ako mahilig sa Grilled chiken dahil ayoko ng sunog ang balat and ayoko ng dry. My malaking branch ng Mang Inasal sa Makati Ave kaya nacurious ako kung ano meron sa grilled chicken nila.


Sabi ni payat kapag lunch time ay sobrang dae ang kumakain dito at sobrang jampack ang tao. Buti nalang at may tatlong lamesa na available kaya nakaupo kagad kami ni payat.


Nacurious ako kung ano ang laman nung bote sa gitna. Sa Yellow Cab meron silang chili oil na makikita mo ang dinurog na pepper pero sa Mang Inasal ay oil lang talaga. Kinuha ko ang spoon, pinatakan ko ng oil at sabay tikim. Ngek bakit ganun, lasang mantika lang at hindi maanghang. Tinawag ko ang waiter para tanungin kung ano un bote sa gitna, ang sabi nya chicken oil daw. Hmmm.., ano kaya purpose ng chicken oil? Siguro para hindi ma dry yung grilled chicken nila. Malalaman ko to sa susunod kung ano purpose ng chicken oil.



Naks naman paborito kong number.. 28. Sabi kase eto daw ang maswerteng number parang seiko wallet ang number na mswerte.

Ayan at hinatid na ang inorder namin. Hmmmm nakakatakam ang amoy ng chicken. May kalakihan ang chicken at ang sabi ay unlimited rice daw. Hiniwa ko ang chicken, hmmm.. infairness ma-juice at malasa. Hindi sunog ang balat at hindi nakadikit ang laman sa buto. Hindi naman ako gutom nung araw na yun pero naka isa't kalahati akong kanin. (kaya ako nananaba eh armpf..)



Eto ang inorder ni payat. Sa maniwala kayo't sa hindi, maliit lang ang barbeque pero naka tatlong rice si payat.. hahahaha.. antakaw mo pero bakit hindi ka tumataba.


French Baker




Nung college ako, madalas akong dumayo sa San Andres Bukid para lang bumili ng palabok na nilalagyan ng hot sauce. Taga Tondo ako pero nagtya-tyaga akong bumyahe papunta dun para sa paborito kong spicy palabok. Weird ba? Ganun ako kasipag at katyaga basta usapang pagkain.

Bicolana ako at mahilig ako sa maanghang na pagkain. Sa totoo lang, ang nanay ko ang pinanganak sa Bicol at ako ay sa Tondo pinanganak pero mas Bicolana ako sa kanya.

Kapag oorder kami ni payat ng pasta, minsan nilalagyan ko ng paminta oh kaya ay tabasco para ganahan ako kumain. Kung ang iba ay humihiyaw na sa hapdi ng dila or nagwawala na habang umiinom ng tubig sa sobrang anghang ng kinakain nila, kami hindi. Ako at si payat kaya naming ubusin ang maanghang na pagkain na walang inuman ng tubig. Iinom nalang kami kapag naubos na namin ang kinakain namin. Did i mention na si payat ay Bicolana din? Now you know kung bakit matakaw kami parehas sa spicy food.

My nag suggest samin na itry namin ang Spicy Seafood Pasta ng French Baker. Hinding hindi daw namin makakalimutan ang lasa dahil pagpapawisan daw kami sa sobrang hot ng pasta. Sige nga at ma try ang pinagmamalaking pasta, hmmmmm...

Pasta in red pepper-infused tomato sauce, topped with calamari, fish, shrimp, and mussels, served with your choice of grilled foccacia or garlic toast. Choose your pasta: spaghetti, white fettuccini, or green fettuccini.


Ang pinili naming pasta ay white fettuccini. Unang tumikim si payat, pagkasubong pagkasubo nya ng pasta dali dali akong nagtanong: "Ano maanghang ba payat?" Hindi nakapag salita kagad si payat at tinignan lang ako. Syempre nacurious ako at inagaw ko ang tinidor kay payat. Pagkasubo ko ng pasta.. Uhmm Uhmmm GRAVECIOUS ANG SARAP UMUUSOK ANG AKING TENGA.. THE BEST!! Eto na ang paborito kong Seafood pasta, number 2 nalang ang Seafood Medley ng Chef de Angelo.

Umorder din kami ng Chocolate Shake na may chocolate ice cream on top. Tamang tama sa pagtanggal ng hapdi ng dila at umuusok na tenga namin ni payat.


Sa mga mahihilig sa spicy food, i recommend na i-try nyo ang Spicy Seafood Pasta. At try nyo din ang spicy palabok sa San Andres Bukid, nakakaaddik sya!!.. yum yum..




Saturday, December 26, 2009

Venetto Pizzeria Ristorante

Usapan namin ni payat at ni master ay kakain kami sa Banchetto sa Ortigas. Yun nga lang ay 12 midnight pa ang simula. Magkikita kita kami sa Makati at bibili ng regalo si master para sa family nya. Gutom na kami kaya naisipan namin ni payat na wag nalang sumama sa Banchetto at maghanap nalang kami ng makakainan sa Glorieta.

Nung gabing yun, hindi namin alam kung ano ang hinahanap ng aming panlasa. Hanggang sa lumabas nalang kami sa mall para maglakad uli. May nakitang red and green light si payat sa may gilid ng mall at sabi nya sakin: "tara tignan natin kung anong kainan yon". Sagot ko kay payat: "ako ba niloloko mo, baka 711 yan payat". Dali dali kaming lumapit sa tinutukoy ni payat na red and green light.

Parang isang ordinaryong kainan lang sya pero ang nakakapag taka ay jampack ang mga tao sa loob. Venetto Pizzeria Ristorante, isang Italian restaurant. Pumasok kami at naghanap ng mauupuan. Isang lamesa lang ang bakante at nasa sulok pa. Wala kaming choice ni payat kundi doon nalang pumwesto.

Mahilig si payat sa seafood pasta or kahit anong pasta na may shrimp. Inorder namin ay Oil and Garlic with Shrimp Php 255 and A Veneto Famili Platter Php 275.

Chicken wings together with Crabsticks, cheddar munchers and frenchfries. Sa mga platter na inorder namin ni payat noon, masasabi kong eto lang ang big serving na affordable ang price. Usually ang mga platter eh nsa 300+ tpos good for 2 person lang sya, as in kabiten but not here in Veneto.


Oil and Garlic with Shrimp. Sobrang daeng shrimp, siguro isang kilo ng hipon ang nilagay nila jan. Sa mga naorder naming seafood pasta sa ibang restaurant, talagang mabibilang mo lang sa isang kamay ang hipon nila. Pero dito sa Veneto, nagutom kami ni payat kakabilang kaya sinimulan nalang namin sumubo ng pasta. Nakakatuwa pa ay good for 2-3 person sya kaya hindi namin naubos ni payat.


Sobrang busog at tinake out nalang namin ni payat yung natira naming pagkain. Babalikan namin ni payat etong pizzeria para tikman ang iba nilang pagkain lalo na ang pizza. wink* wink*

Tuesday, December 22, 2009

Melason nag date sa StarCity

Kahapon ay ipinakita ang date ni Melai at Jason sa StarCity.



Siguro kung wala si Melai, hindi ko panonoorin ang PBB double up kase parang ang boring ng iba. Pero like ko din si Rica and Tibo.

MYSPACE HIT COUNTER

Thursday, December 17, 2009

Go Nuts Donuts Ice Cream


Did you know?

Go Nuts Donuts are now selling Ice Cream

Owner of Go Nuts Donuts are also the prinicipals behind the successful brands of ice cream Coney Island and Sorbeteros in 70's.

(Kaya pala alam ni Spiderham ang Coney Island kase sumikat ito ng 70's. Hindi pa ako pinapanganak ng year na yan. hahahaha..Peace tyo Spidey .... www.spiderhamworld.blogspot.com)

Ngyon ay ibinabalik nila sa market ang dating sikat na ice cream, yun nga lang ay ipinangalan nila ito under ng Go Nuts Donuts. Sa tingin ko ay isa itong market strategy dahil sikat ngyon ang Go Nuts Donuts.



Ang mga ice cream flavors ay:

Favorites:
Belgian Chocolate
French Vanilla
Cafe Mocha
Pastillas De Leche
BUBBLE GUM
Rocky Road

Premium:
Strawberry
Choco Hazelnut
PISTACHIO
Ito's Macademia
Ozark Black Wallnut
New York New York



Syempre, hindi ako magpapahuli at kelangan matikman ko ang sinasabi nilang "Creamiest Ice cream you'll ever experience". Bumili kami ni payat ng isang Tubs, Favorites: Bubble gum flavor sa halagang php185. Sabi kase ito daw ang best selling ice cream flavor noong 1970 kaya eto ang inuna naming pinili.



Pagbukas na pagbukas ng takip ay matatakam ka kagad sa sweet smell ng bubble gum flavor.
Habang dini-dig mo ang ice cream lumalabas ang ibat ibang kulay ng bubble gum na nakahalo sa ice cream.


Sa susunod naman ay ita-try namin ang PISTACHIO ang isa pa sa best selling ice cream nila.

Available ang Ice cream nila sa SM Makati, West Gate Filinvest Alabang, SM Megamall and SM Mall of Asia.

Wednesday, December 16, 2009

YugaTech Great Gadget Giveaway: YugaTech Contest #1: Merry Tweetmas

Hey guys, I am encouraging you to join the YugaTech Contest.



YugaTech Contest #1: Merry Tweetmas

Starting this week, we’ll be doing a series of different contests for our “YugaTech Great Gadget Giveaway” with a major theme around it. It will be really simple and have easy mechanics. Our contest for this week is called “Merry Tweetmas”.

Round 1: Our theme for this week will be Twitter. Here’s the mechanics:

1) Follow @abeolandres and @talk2globe on Twitter.

2) Post a tweet “Just entered to win a Modu Phone. Quick! Go follow @abeolandres and @talk2globe and retweet: http://bit.ly/6e2q7O #thanks2yugatech”

We’re giving away a Modu phone, 10 Globe Tattoo and 20 Php500 prepaid call cards randomly. That’s 31 winners in all for the Twitter giveaway.

If you don’t have a Twitter account but own a blog, here’s another way for you to join in this week’s giveaways:

1) Blog about the “YugaTech Great Gadget Giveaway”. Include the photo I posted here and link to this contest page.

2) Don’t forget to include in your post the mechanics for the Twitter contest above.

3) Leave a comment here with the URL of your entry.

For this one, we’ll give away another Modu phone, 10 Globe Tattoo and 10 prepaid load cards worth Php500 each. That’s 21 additional winners for a total of 52 winners this week.

Lastly, for our YugaTech readers who don’t Twitter or blog, here’s one for you:

1) Leave a comment on this contest page with the answer to this question — “If you’re stuck in an island with a phone and only have one call left, who would you call and why?“.

Ten most witty or creative answers will each win Php500 worth of prepaid load cards from Globe.

You can join in any of the 3 separate giveaways above but you can only win once for this round. If you win twice or on all 3, you get the bigger prize.

That’s a total of 62 lucky winners this week alone. This is just to warm you up for that grand prize. Go and start spreading the word!

Our giveaways won’t be this huge if not for our sponsors. Go thank Globe in your own little way.

Note: Anyone can join in the contests as many times since we’ll have more rounds in the coming weeks and months. Items will be shipped anywhere in the Philippines for free.

Source: http://www.yugatech.com/blog/contests/yugatech-contest-1-merry-tweetmas/

MYSPACE HIT COUNTER

Sunday, December 13, 2009

World Bazaar: Bro, Ikaw ang Star ng Pasko


Maraming Christmas bazaar ang naglipana ngyon at isa na dito ang World Bazaar Festival. Eto ay isang alternatibong lugar na puntahan para makapamili ng gifts ngyong pasko.


Nag sama ang Worldbex at ABS-CBN para maisatupad etong Christmas Bazaar na nagsimula noong Dec 4 at magtatapos sa Dec. 16. Dito ay makakapamili ng murang toys, damit, accessories, perfume at kasangkapan sa bahay. Ang kikitain ng Worldbex at ABS-CBN ay mapupunta sa rehabilitation ng Ilog Pasig.

Syempre hindi ako magpapahuli, pumunta ako noong Dec. 8 para makapag contribute din sa nasabing project na rehabilitation.



Pag pasok namin ay bumungad kagad ang nag gagandahang halaman tulad ng poinsettia.


Nang nasa kalagitnaan na kami ay nakita naman namin ang Belen na sumisimbolo sa kapanganakan ni Jesus.


Ang mga magpaparticipate sa festial ay makakapamili ng murang regalo at the same time ay makakatulong sa project ng Kapit Bisig para sa Ilog Pasig.

Wednesday, December 9, 2009

Petville

Anjo.Manjo.Ko ang name ng pet ko


Zynga ang famous developer ng mga nakakaaddik na games sa Facebook. Ang success nila ay ang pag develop ng games na kinuha ang idea sa ibang games application. At mas pagagandahin nila para matalbugan ang naunang nag launched ng game. Ang Sikat na games ng Zynga ay Mafia, Farmville, Fishville, Yoville and Cafeworld.

Sikat na sikat ang FarmTown dahil sa pagtatanim. Pero nung lumabas na ang mas magandang Farmville, tila parang nakalimutan na ng mga FB user ang FarmTown.

Naaddik ako sa Restaurant City. Nakakaaliw kase ang pagdedesign ng restaurant at nakakaaliw din panoorin kapag maraming tao ang pumapasok at kumakain dito. Pero naglabas sila ng Cafe world para ipangtapat dito. Nakalimutan ko na ang Restaurant City ko at huminto nalang sya sa level 27. Ang CafeWorld ko eh level 57 na.

Ang Fishville naman ang pinang tapat nila sa Happy Aquarium at Fish World.

Last week, December 3, 2009 ay nag launched sila ng bagong game, ang Petville. Eto ang ipang tatapat nila sa sikat na sikat at nakakabaliw na PetSociety.

Petville ay katulad ng PetSociety na magaalaga ka ng isang pet. Ikaw bilang pet owner ay dapat mapanatili mong malinis, masaya, at busog ang alaga para magkaron ng points or maglevel up. Kelangan bumisita sa mga friends para maglinis ng kanilang bahay at makipagsayaw para magkaron din ng points. Panigurado isa na naman to sa magiging successful na application ng Zynga at kababaliwan ng mga FB user.

MYSPACE HIT COUNTER

Bro, Ikaw ang Star ng Buhay ko

From ABS-CBNonline (youtube.com)



Christmas Station ID of ABS-CBN is very meaningful. Masaya at mapapaindak ka tulad ni Boy Abunda kapag sinabayan mo ang pagkanta habang kinocommercial sya sa Telebisyon. An sarap ulit ulitin panoorin at pakinggan ng walang kasawa sawa. Kaya tumutugtog na lagi sa isip ko at naging last song syndrome tuloy. Napaka positive ng dating sa mga manonood, kapag napakinggan mo parang mapapa smile ka at magiging maganda ang araw mo. Kudos sa sumulat ng kanta at nakaisip ng tema para sa station ID.

Yung Station ID ng kabilang network ay napanood ko nadin. Meaningful din naman sya, pero for me parang malungkot at malulungkot ka kapag napanood mo. Ayan, napanood ko kase kaya parang nalungkot ako.

MYSPACE HIT COUNTER

Tuesday, December 8, 2009

Pizzeria



Dec 1, 2009

Nagkita kami ni payat sa paborito naming mall para maghanap ng makakainan. Ayun, my bagong pizza parlor sa gilid, ang Joey Pepperoni Pizzeria na may promo buy one take one daw. Paglapit namin, my isa pa silang promo, ang eat all you can na pasta. Dahil sa ang kine-crave namin ay pizza, next time namin ita-try ang pasta nila.

Kumaway si payat sa waitress, yung manager na lalaki ang kumaway pabalik samin para sumenyas na sandali lang. Bakit isa lang ang waitress nila.. asan ang iba? 12 ang tables nila at 8 tables occupied ng customers.. Hmmm.. makakaya ba ng isang waitress yun tpos eat all you can pa sila?

Ayun, sumulpot ang isa pang waitress nila galing sa labas at kinuha ang order namin.

The Works:
Smoked ham, Pepperoni, Bacon, Salami, Beef toppings, onions, bell peppers and olives.

Pizza Messicana:
Beef toppings, Bacon, Cheddar Cheese, mushroom, Mexican Seasoning.

Umorder kami ng Apple and Pearl pero hindi available kaya nag bottomless iced tea nalang kami.

Nakakatuwa merong papel na nakapatong sa table namin na my word finder at facts about Joey Pepperoni. Habang nag aantay ng order namin ay sinagutan muna ni payat ito. Medyo may katagalan ng order namin, kaya siguro may word finder sa lamesa.


Unang dumating ang Pizza Messicana, sobrang thin ng crust and sobrang crunchy. Malalasahan ang Mexican seasoning. Hindi na namin ginamit yun fork and knife para hiwain yung pizza, mas masarap kumain ng naka kamay.



Sumunod ang The Works na parang hindi niluto. Sobrang maarina pa yung crust na parang sinerve samin ng katatapos lang ilagay ang toppings na parang hindi man lang dumapo sa loob ng oven.


Umorder ng onion ring yung katapat na table namin at parang natakam ako. Tinawag ni payat ang manager kase hindi na naman namin makita yung mga waitress nila. Sabi ni payat kay manager, "Ser pa add ng order, oorder kami ng onion ring." Ang sabi ni ser manager, "Ma'am wala po kayong inorder na onion ring". Nagkatinginan kami ni payat baka hindi lang sya narinig ng mabuti kaya inulit nya. Ang sabi uli ni ser manager, "Ma'am 30 minutes pa po bago maluto". Sabi ko, "Ang tagal naman nun, bakit 30 minutes maluto ang sibuyas?". Sagot ni ser manager, "Ma'am ganun po talaga". Sabi ko, "Sige na nga, order padin kami" at nagbiro ako kay payat na isulat nya sa papel na 30 minutes pa darating ang order naming onion ring.


Narinig pala ni ser manager ang biro ko at bigla syang nataranta. Biglang sumulpot ang waitress nila na kanina pa nawawala. Parang guwardya sibil na nakatayo sa tabi ng lamesa namin na tipong nag spy samin kung ano ang sinulat ni payat sa papel na nakapatong sa lamesa namin. Ang sabi ni payat, "hala ka, natakot ata sila". Tinignan ko ang waitress at tumingin din sya sakin na pilit padin sinisilip ang sinulat ni payat sa papel. Sabi ni payat na sadyang ipinarinig nya sa waitress, "itago mo na nga yang papel para umalis na yan sa tabi mo". At hindi padin sya natinag sa gilid ng lamesa, para na syang istatwa sa tabi ko na hindi man lang makuhang mailang dahil tinititigan namin sya.

Less than 10 minutes bumalik ang manager na dala dala ang onion ring. Sabay tanong kung meron pa kaming oorderin, kung gusto pa namin ng refill, my kailangan pa ba kami at kung ano ano pa. Biglang nag iba ang treatment samin ng manager at andun padin si waitress na istatwa na ata sa tabi ko. Sagot namin, "ser wala napo kaming order".

Masarap ang onion rings nila, crunchy and manamis namis ang sibuyas na binagayan ng cheese na dip.

Etong kuwento ko ay hindi para siraan ang naturang pizza parlor, eto ay experience po lamang namin. Hindi ko naman alam na ganun ang magiging reaction nila sa biro ko na isulat ang 30 minutes. hehehe.. sorry my bad.. Kahit naman hindi isulat ni payat yun, matatandaan ko naman eh. Peace tayo kapatid na waitress.. hihihi.. :D