One time tinanong ko si Tommy (ang aking ka-opismate) kung saan sya usually nakikipag date or saan merong masarap na pagkain pero yung affordable ang price. Ang sabi nya medyo pricey pero the best ang experience lalo na ang mga cakes. He suggested Conti's and located sya sa Greenhills.. Medyo nagdalawang isip ako dahil malayo sya for me.
=================================
Si Mrs. Romantico, one time din pi-nop ako sa ym. Sabi nya meron daw silang pupuntahan ni Mr. Romantico at magde-date sila. I asked kung saan and sabi nya sa Conti's. Hmmm.. narinig ko na naman yang Conti's na yan.
=================================
After 5 years ay umuwi ang tropa ko nung highschool at nagpaparty sya. Sinabay nya ang party nya sa birthday ng mother dear nya. Bumaha ng cake, parang kung gano kadami ang bisita parang ganun din kadami ang regalong cake sa nanay nya. Karamihan ay roll na binili sa Goldilocks.
Habang kumakain kami ng cake ( hindi ko na mabilang kung pang ilan yun dahil nilabas lahat ng nanay nya lahat ng regalong cake at ginawang pulutan, kapartner ng redhorse at san mig light), nabanggit ni Iyah na meron silang binibili na cake kapag my okasyon sa bahay nila. Parang my hinala na ako kung anong cake yun. Ayun kabooooooom sinabi nya Mango Bravo ng Conti's.
=================================
Sa opis bago magstart ang training, nag chikahan muna kami ni MikeV about sa blog ko. Nabanggit ko sa kanya na meron akong gustong puntahan pero pinaplano ko pa. Asked ni MikeV, ano yun? Sabi ko Conti's meron daw masarap na cake dun. Nakikinig pala ang trainor namin, at sinabi nyang meron malapit sa kanilang Conti's. Sinabi nyang Paolo daw ang name ng owner nun at Conti ang last name at madalas mapagkamalan na si Paolo Contis. Ang kinaibahan lang ay apostrophe S, Conti
's. At tulad ng sinuggest ng iba, Mango Bravo. Ayun hindi ko na matiis at gustong gusto ko na matikman ang cake na yan.
=================================
Sinabi ko sa mom ko na bibili ako ng malagintong presyo na cake at ayusin na nya ang freezer ng aming refrigerator. Sabi ng mom ko, "ano ba yan gagastos ka nanaman, happy naman ako sa red ribbon". Heto na naman ang aking mother dear, nagpapakipot na naman, if i know excited ka din tulad ko.
Sunday, plano dapat namin ni payat mag PNR, yun nga lang ay 11AM pa daw dadaan ang train, kaya nag LRT nalang kami papuntang Makati. Nag novena muna kami tapos kasunod ay mass sa Greenbelt. Nakakatuwa, may mga duck na palang lumilibot libot sa tubig kasama ng mga fish. Sobrang puputi ng mga duck na walang daplis ng dumi parang ginamitan ng surf. Yun nga lang medyo may kaingayan sila lalo na at umaambon kaya kuwak sila ng kuwak!.
(Eto na ang inaabangan,.. haba ba intro ko.. wahihihi)
After Mass ay dumiretso na kami sa Greenbelt2. Nakakalokah, yung mga nakita ko sa simbahan ay kasunod naming papasok sa loob ng Conti's at doon din pala sila magsisipag kain ng lunch. Unti unti ng napupuno ang loob at nagkakaron ng mga katawan sa mga lamesa.
Kung mapapansin nyo sa picture, andaeng tao sa counter. Yan ang mga oorder lang ng cake to go. (sa next entry ko ang cake to go namin ni payat)
Tinuturo ko kay payat kung ano oorderin kong drinks, gusto ko Mocha Frappe Php 125 at sya naman gusto nya Mango Banana Php 95.
Best seller nila ang Mocha Frappe kaya malaki ang picture sa menu. Diba yung iba eh puro yelo tapos konting sipsip eh tuyot na ang yelo, eto hindi! Sobrang thick na mahirap idescribe basta mabigat sya sa tyan. Ibig sabihin sulit ang binayad ko sa Frappe.
Eto naman ang Mango Banana, sobrang puro hindi rin makakapa ng dila ang yelo. Malalasahan ang Mango at Banana. Napaka smooth sa dila walang buo buong yelo.
Tinanong nga pala namin ang waiter kung ano best seller na mairerecommend nila samin. Tinuro nila sa menu ang Cheesy Baked Macaroni Php (regular/kiddie) 160/95. Macaroni Noodles and chicken enveloped in mushroom sauce, toped with mixed cheese. Infairness, masarap sya at malinamnam. Malalaki ang hibla ng chicken, hindi pinagdamutan, hindi tinipid ang sangkap.
Next na tinuro ng waiter ay ang Paella Madrilena Php 295 With Prawn and Chicken. Gusto ko ang pagkakaluto sa hipon. Mabilis humiwalay ang laman sa balat ng hipon, inshort hindi sya mahirap balatan. Nakakaadik ang Paella, malamang kung marunong ako magluto nito ay tataba ako ng bonggang bongga!!
At syempre hinding hindi namin makakalimutan orderin ang Mango Bravo Frozen Php 120, ang madalas isuggest samin ng mga taong nakapaligid samin.
Hay naku, heaven! Tama sila "You're missing half of your life if you haven't eaten a slice of Mango Bravo". Ngayon hindi ko na ma mi-miss ang half ng buhay ko dahil maipagmamalaki kong natikman ko na sya. At syempre masusundan pa yan!!
At eto ang aming resibo...............